NGAYONG araw ay inaalala ang isang yugto sa kasaysayan ng Katipunan – ang Unang Sigaw sa Pugadlawin.
Pinaniniwalaan itong naganap noong Agosto 23, 1896 sa Pugadlawin na sakop ngayon ng Lungsod Quezon. Sa tagpong ito nagkasundo ang mga kasapi ng Katipunan na panahon na upang mag-aklas laban sa mga Kastila. Ang pagpupunit ng kani-kanilang sedula ang naging sukdulan ng tagpong ito na humantong sa Labanan sa San Juan del Monte noong Agosto 30, 1896. Mula sa Facebook page ng National Historical Commission of the Philippines-Museo ng Katipunan-Pinaglabanan Memorial Shrine