IYAN ang katanungan na maibabato natin kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian makaraang ipanukala niya sa Manila Forum For Philippines China Relations na ginanap sa Conrad Hotel noong Agosto 21, 2024.
Sa kanyang keynote speech, ipinanukala ni Ambassador Huang ang pagpaunlad sa kanyang tinagurian na “Greater Manila Bay Area.”
Ang panukala ay ang pagtatatag sa pinapangarap na “Greater Manila Bay Area, alinsunod sa istilo o modelo ng Guandong-Hong Kong-Macao Greater Bay Area na maaaring tumungo sa pagiging mapagsulong na pwersa sa ekonomikong pag-angat ng Pilipinas.
Nagawa nating pahalagahan ang panukalang ito ng ambasador dahil sa mga pangyayaring kinasangkutan niya sa simula ng pag-init ng alitan ng China at Pilipinas kaugnay ng ilang bahagi ng South China Sea.
Isang umaga ay basta na lamang nakitang nakasabit sa isang overpass sa Roxas Boulevard ang isang streamer na humihinging ideklarang persona non grata sa Metro Manila si Ambassador Huang Xilian. Ganun minasama ang ambassador ng paglago ng tensyon ng China at Pilipinas. Sa pagdaloy sa hanay ng mga Pilipino ng anti-Chino na pagkamuhi, ang panawagan na patalsikin si Ambasador Huang sa Pilipinas ay higit pang nag-ingay, lumago pa sa mga karatig-bayan ng Metro Manila tulad ng Cavite at Bataan.
Ito ngayon tayo sa seryosong paghahangad ng ambassador na paunlarin ang Greater Manila Bay Area – kaunlaran mismong ng mga bayan na naghahangad ng kanyang pagkawasak.
Sa isang report na ipinalabas ng Asian Century Philippines Strategic Studies Institute (ACPSSI), ito ang sinasabi:
“Actually, China has already started with assistance to the Greater Manila Bay Area concept with the approval from the China-led Asian Infrastructure and Investment Bank (AIIB) of the $ 350-million loan to complete the $1-billion first tranche of the Bataan-Cavite Bridge project, although the concept may not even yet be in the minds of the Philippine planners. With Ambassador Huang expanding the concept now and support from the FFCCCII the dream can be closer to reality going forward (Sa totoo lang, pinasimulan na ng China ang pagtulong na paunlarin ang konsepto ng Greater Manila Bay Area kasabay ng pag-apruba ng Asian Infrastructure and Investment Bank {AIIB}, na pinamumunuan ng China, sa $350 million pautang bilang pampuno sa unang bahagi ng $1 bilyun proyektong Cavite-Bataan Bridge, bagama’t ang nasabing proyekto ay maaaring ni wala pa sa isipan ng mga tagapagplanong Pilipino. Ganyang pinalawak na ni Ambassador Huang ang konsepto kasama pa rin ng tulong ng FFCCCII, ang pangarap ay higit na ang pagsulong sa realidad).
Ang punto, ang gayong paglawak ng pangarap ng Greater Manila Bay Area ay gawa ng ambasador na pinakadurusta mismong ng mga komunidad na tapat niyang hangad na umunlad.
Pag-usapan ang utang na loob. Di ba ang sabi, pag binalibag ka ng bato, batuhin mo ng tinapay?
Ang mga pagtalakay sa mga kahalintulad na progresibong pag-unlad na ekonomiko ay bahagya nang mapagtuunan ng pansin ng mainstream media na sobrang nakadiin sa propaganda ng Amerika upang pag-alabin ang tensyon sa pagitan ng China at Pilipinas.
Mahalagang unawain na sa kabila ng mga batikos kay Ambassador Huang Xilian, pursigido pa rin siyang itulak paabante ang pangarap na Greater Manila Bay Area.
Ang panukalang ito ni Ambassador Huang ay pinangalawahan ni Dr. Jonathan Choi Koon Shum, Chairman, General Chamber of Commerce of Hong Kong and Member, Standing Committee of the National Committee of the Chinese People’s Political Consultative Conference, kanyang co-keynote speaker sa nasabing forum.
Hindi lamang ang Hong Kong Bay Area ang tinukoy na paggagagaran ng panukala ni Ambassador Huang na Greater Manila Bay Area kundi maging ang San Francisco Bay Area, New York Bay Area at Tokyo Bay Area.
Ayon kay Dr. Choi, ang “(HK) GBA ay hindi lamang isa sa mga pinakamabilis na umunlad na rehiyon sa China kundi ang kanyang ekonomiya ay mababa lang nang kaunti ng sa Canada at Russia at angat sa Australia at South Korea.
Ganun ang patutunguhan ng Greater Manila Bay Area oras na maganap ang panukala tungkol dito ni Ambassador Huang Xilian.
Ang panukala ni Ambassador Huang ay patunay lamang na pawang kasinungalingan ang mga pinagsasasabi ng Amerika na mananalakay ang China sa Pilipinas.
Papaano mo sasalakayin ang isang kapitbahay na gusto mo ngang tulungang umunlad?
- Advertisement -