26.1 C
Manila
Lunes, Oktubre 7, 2024

Aasa ba tayo sa OFW?

MGA KUWENTO NI PERANG (ESTE PARENG JUAN)

- Advertisement -
- Advertisement -

HAAY Juan, nakakapagod.

Bakit, Uncle?

Naku, dami ko na naman nakahuntahan na mga OFW sa Singapore. Ang mga kuwento nila’y sari-sari. Masaya, malungkot, masakit, maganda. Iba’t iba talaga ang mukha ng mga OFW natin na nakikipaglaban dito sa ibang bansa para maiahon ang mga pamilya nila sa kahirapan.

So bakit nakakapagod, Uncle?

Sa totoo, Juan, mas pagod sila. Hindi lang sa mga trabaho nila kung di sa pagtiyatiyaga nila na maipaliwanag sa kanilang mga pamilya na hindi madali ang buhay nila. At ang kanilang pakiusap na sana gawin naman nila ang kanilang parte para maibsan ang kanilang mga sakripisyo lalo na sa pinansyal na aspeto.


Ano ba, Uncle, ang gusto nilang gawin ng mga pamilyang naiwan nila sa gitna ng pagkayod nila sa pagtratrabaho bulana mga OFW?

Ayon sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP, umaabot sa halagang $14.8 billion ang OFW remittances mula January-May 2024.  Sa buong 2023, natala ang OFW remittances sa $37 billion o 8.5 porsiyento ng buong ekonomiya o Gross Domestic Product.

Kalimitan, ayaw ipaalam ng isang OFW ang kanilang totoong kalagayan kasi iniiwasan nilang mag-alaala ang pamilya nila. Kaya, madalas ang buong akala ng mga naiwang pamilya ay masaya silang kumikita, nakakakita ng magagandang lugar o di kaya’y nakikipagbarkada sa mga bagong kaibigan.

Hindi malinaw ang totoong nangyayari sa mga OFW lalo na sa kanilang mga sakripisyo tungkol sa pera, mapagbigyan lang ang mga kahilingan ng mga kapamilya. Ang resulta ay madalas yung obligasyon sa sarıli, katulad ng pagbubudget, pagiipon o ang paggastos sa kalusugan ay hindi na nabibigyan ng pansin.

- Advertisement -

Mula sa BSP survey on consumer expectations nung fourth quarter ng 2023, 96 porsiyento ng  OFW remittances natanggap ng Filipino households na may OFW ay ginastos sa pagkain, edukasyon at medical expenses.

Basahin natin ang isang liham ng isang OFW dito sa Singapore para sa kanyang pamilya at ang gusto nitong magampanan nila para naman makatulong din sa kanilang pangarap na maitaguyod ang buong pamilya.

Mahal kong pamilya,

Marami akong gustong sabihin sa Inyo at naisip ko na panahon na magpakatotoo na rin.

Una, malungkot ang magtrabaho sa ibang bansa. Lagi ko kayong namimiss. Kaya lang, pag nag-uusap tayo, wala naman kayong tinatanong sa akin kung di kailan ako magpapadala muli. Alam ko ang pangangailangan ninyo at pinagsusumikapan kong maibigay ang lahat.

Pangalawa, mahirap kumita ng pera dito. Sana nakokontento din kayo sa padala ko. Sana maging responsable din kayo sa paggastos. Katulad ng  imbes na hingan nyo ko ng pera para matustusan ang lahat ng selebrasyon dyan mula birthday, binyag, kasal o ano pa man, puede kayang ipunin nyo na lang ang gagastusin para dyan at İtabi para sa mas may kabuluhang gastusin para sa  mga di inaasahang pangyayari tulad ng pagkakasakit? Lalo na’t hindi ko din alam ang itatagal ko sa pagtratrabaho dito na puwedeng bukas mabigla na lang ako na wala na pala akong trabaho. Kailangan ibudget din ninyo ang aking pinapadala at kung posible at may sosobra, ipunin nyo din naman para may huhugutin din kayong ekstra pagdating ng panahon.

- Advertisement -

Pangatlo, alam nyo mahirap talagang magkasakit dito ng mag-isa. Kahit minsan maşama ang pakiramdam ko, pumapasok pa rin ako kasi ayaw kong mabawasan ang suweldo ko para sa inyo. Kaya lang baka dapat bigyan ko rin ng prayoridad ang makaipon kahit konti para sa sarıli ko at mapaghandaan ang mga biglaang pangyayari at aking pagtanda. Wala naman ibang tutulong sa kin kung di sarili ko. Kailangan ko ring magbudget at magplano para sa aking sariling kinabukasan.

At panghuli, gusto kong magretire sa Pilipinas. Sana pag nagretire ako, may sapat akong pera para masuportahan ko ang aking sarili. Kaya ang pagtulong nyo sa akin ay malaking bagay sa aking pagtanda na hindi aasa sa Inyo o sa ibang tao.

Sana maiintindihan nyo ako. Maaşahan nyo na hindi ko kayo pababayaan. Mahal ko kayo.

Nagmamahal,

Mae

O, Juan, pag ikaw ay naging OFW, suportahan taka.

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -