27.5 C
Manila
Sabado, Oktubre 5, 2024

Airtoda sa Puerto Princesa, binigyan ng tulong pangkabuhayan

- Advertisement -
- Advertisement -

TUMANGGAP ng tulong pangkabuhayan na nagkakahalaga ng P100,000 ang Puerto Princesa Airport Tricycle Operators and Drivers Association o AIRTODA mula sa programang Presyo, Trabaho/Kita, Kaayusan (PTK) ni Senador Allan Peter Cayetano.

Personal na iniabot ni Cayetano kay Airtoda chairman John Pope kamakailan ang tulong kasabay ng pagbisita ng senador sa lungsod.

Dati nang nabigyan ng tulong pangkabuhayan ni Cayetano ang nasabing asosasyon noong panahon ng pandemya.

Ang tulong pangkabuhayan na ito ay nagsilbing pondo Airtoda at ipinapahiram sa kanilang mga miyembro na binabayaran naman ng may kaunting interes upang mapalago ang kanilang pondo at makatulong din sa iba pang miyembro.

Ang Airtoda ay may 73 mga miyembro na ang pangunahing hanapbuhay ay pagbibiyahe ng tricycle mula dati sa loob ng Puerto Princesa International Airport patungo sa iba’t ibang bahagi ng lungsod, ngunit ng magkaroon ng panukalang transportation modernization ay naapektuhan ang mga ito.

Sa kasalukuyan ay nasa labas na lamang ng Puerto Princesa International airport naghihintay ng pasahero ang mga miyembro ng Airtoda.

Hiniling din ng grupo sa senador na kung maari silang matulungang magkaroon ng taxi upang makasabay sila sa transportation modernization program na isinusulong ng pamahalaan.

Hindi naman nagbigay ng katiyakan si Cayetano ngunit sinabi nito na pag-aaralan niya ang hiling ng Airtoda.

Sinabi rin ng senador na maaaring pag-aralan din ng Airtoda ang pagkakaroon ng van rental.

Hinikayat din nito ang mga miyembro ng Airtoda na bumili ng kahit isang yunit lamang ng second hand na van para sa kanilang panimulang negosyo na ang kalahati sa presyo nito ay sasagutin ng senador. (OCJ/PIA-MIMAROPA, Palawan)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -