28.8 C
Manila
Huwebes, Marso 27, 2025

Sen Lapid namahagi ng food packs sa mga biktima ng bagyong Enteng sa Rizal

- Advertisement -
- Advertisement -

SINUYOD ni Senador Lito Lapid ang ilang Barangay sa lalawigan ng Rizal na binaha dahil sa bagyong Enteng sa isinagawang Lingkod Lapid Caravan nitong Huwebes, Sept. 12, 2024.


Namahagi ng family food packs ang Senador sa 1,200 pamilya na biktima ng pagbaha sa Brgy. Mayamot at Brgy. San Jose, Antipolo City, Brgy. San Juan, Taytay at Brgy. San Isidro, Cainta.


Nagpasalamat naman ang mga benepisyaryo kay Lapid sa napapanahong tulong sa kanila sa gitna ng naranasang kalamidad.


Sa kanyang mensahe, inaasahan ng Senador na makatutulong sa bawat pamilya ang food packs na naglalaman ng bigas, mga delata at iba pa.


Kasama ng Senador ang kanyang anak na si kuya Mark Lapid sa pamamahagi ng tulong sa mga biktima.

Magiliw naman ang pagsalubong kay Lapid ng mga residente sa nasabing mga Barangay sa Rizal.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -