MASAYANG ibinalita ni Senator Imee Marcos sa kanyang Facebook page ang kanyang pagdalo sa 2024 Cooperative CMPL o Consumers, Marketing, Producers and Logistics National Summit sa Cagayan de Oro nitong Setyembre 14, 2024.
Aniya, “Tayo ay dumalo sa 2024 Cooperative CMPL o Consumers, Marketing, Producers and Logistics National Summit na ginanap sa lungsod ng Cagayan de Oro noong Sabado, Setyembre 14.
“Talagang saludo ako sa malaking tulong ng mga kooperatiba sa ating mga kababayan na limitado ang kakayahan sa mga komunidad.
“Bilang pinuno ng komite ng mga kooperatiba sa Senado, makakaasa sila sa aking patuloy na suporta at pagtaguyod sa kanilang sektor.
“Mabuhay ang 2024 Cooperative CMPL!
“Mabuhay ang mga kooperatiba.”