Mula sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas, inihahandog ang bagong edisyon ng Panandang Pangkasaysayan (Historical Markers), 2007-2016.
Ang aklat na ito ay naglalaman ng mga panandang pangkasaysayan na inilagay sa iba’t ibang panig ng Pilipinas at maging sa ibang bansa mula 2007-2016. Tuklasin ang mga makasaysayang lugar, kaganapan, istruktura, at mga taong nagbigay ng mahalagang ambag sa ating bayan. Ang bawat teksto ay masusing binuo batay sa malalim na pag-aaral, kung saan nabigyang pansin din ang mga kontribusyon ng kababaihan at mga mahahalagang kaganapan sa Visayas at Mindanao.
Ang aklat ay nagkakahalaga ng ₱550 bawat kopya. Sa mga nais magkaroon ng kopya, maaari kayong bumili online, sundan lamang ang link na ito: https://bit.ly/HistoricalMarkers2007-2016