NAGLABAS ang Department of Interior and Local Government (DILG) ng Memorandum Circular na humihikayat sa mga lokal na pamahalaan na ipatupad ang lahat ng bahagi ng “Animal Welfare Act of 1998” para sa pangangalaga at kapakanan ng mga hayop.
Layunin ng nasabing Memorandum na hikayatin ang mga lokal na pamahalaan ang pagtatatag at pamamahala ng animal pound, at lahat ng iba pang mga pasilidad na itinatag at ginagamit para sa pagpaparami, pag-iingat, pangangalaga, paggamot o pagsasanay ng lahat ng mga hayop bilang mga bagay ng kalakalan o bilang mga alagang hayop sa bahay.
Para sa karagdagang detalye, basahin ang Memorandum Circular No. 2024-126 sa link na ito: https://shorturl.at/U8ALl