30.5 C
Manila
Martes, Pebrero 18, 2025

DENR-NCR nagsagawa ng Geotagging Training

- Advertisement -
- Advertisement -

PINANGUNAHAN ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) National Capital Region, sa pangunguna ng Manila Bay Site Coordinating/Management Office (MBSCMO) nito, ang isang Geotagging Training para sa mga kawani ng Makati Social Welfare Department (MSWD) at City Police of Makati na ginanap sa Brgy. Carmona.


Ibinahagi ng mga tagapagsalita mula sa MBSCMO ang mga Geotagging tools and techniques na kanilang ginagamit sa mga fieldwork, tulad ng pagsusuri ng mga daluyang tubig, pagsusukat ng lupa, at iba pa. Nakatuon ang pagsasanay sa Geotagging technology upang magamit ito para sa mas wasto na impormasyon at mas epektibong aktibidad tulad ng site visits, inspections, at management ng MSWD at City Police of Makati.

Ang DENR National Capital Region ay patuloy na nagbibigay suporta sa mga lokal na pamahalaan kagaya ng mga ganitong pagsasanay upang mas linangin pa ang kanilang kaalaman sa mga bagong teknolohiya, para mapabuti pa ang kanilang serbisyo, lalo na sa pangangalaga ng kapaligiran at likas na yaman dito sa Metro Manila.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -