25.1 C
Manila
Martes, Enero 21, 2025

Third Candaba Viaduct sa NLEX 92% na ang nagagawa

- Advertisement -
- Advertisement -

UMABOT na sa 92 porsyento ang naitatayo sa istraktura ng Third Candaba Viaduct sa North Luzon Expressway (NLEX).

Makikita sa larawan ang pinalapad na Candaba viaduct na sakop ng mga bayan ng Pulilan sa Bulacan at Apalit sa Pampanga. (NLEX Corporation)

Tiwala si NLEX Corporation President and General Manager J. Luigi Bautista na mabubuksan ang kabuuang limang kilomtero ng naturang imprastruktura mula Pulilan, Bulacan hanggang Apalit, Pampanga dahil sa mataas na progress rate. 

Tamang-tama ito sa papalapit na holiday season kung saan inaasahan ang maraming bumibiyaheng mga sasakyan. 

Nauna nang nabuksan para sa sasakyang nasa direksiyong southbound lane o patungo sa Metro Manila ang unang dalawang kilometro na tapos nang bahagi sa Pulilan o ang Zone 1.

Target namang buksan ang Zone 2 at Zone 3 ng proyekto sa bahagi ng Apalit ngayong Setyembre at Nobyembre 2024.

Nakasaad sa planong inaprubahan ng Toll Regulatory Board na kapag natapos ang kabuuan ng Third Candaba Viaduct na itinayo sa gitna ng dalawang orihinal na Candaba Viaduct, magiging iisang istraktura na ito.

Magdadagdag ito ng tig-isang linya sa magkabilang panig na ngayo’y tatlong linya lamang. 

Bukod sa pagkakaroon ng mga bagong linya, ang Third Candaba Viaduct magsisilbi ring tagapagpatibay ng dalawang orihinal na struktura na ngayo’y magiging 50 taong gulang na. 

 Ang dalawang orihinal na Candaba Viaduct ay naitayo sa pagitan ng 1974 at 1977.

 Nasubukan na ang katatagan ng mga ito sa napakaraming kalamidad gaya ng 1990 Luzon Earthquake at ilang malakihang pagbabaha gaya ng bagyong Pedring noong 2011. (CLJD/VFC, PIA Region 3-Bulacan)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -