27.5 C
Manila
Huwebes, Disyembre 5, 2024

Intl Coastal Cleanup sa Baseco Beach idinaos

- Advertisement -
- Advertisement -
NOONG  ika-21 ng Setyembre, sa pakikipagtulungan ng DENR National Capital Region at ng lokal na pamahalaan ng Maynila, naging posible ang pagsasagawa ng International Coastal Cleanup sa Baseco Beach Compound sa Brgy. 649.
Sina DENR Undersecretary for Luzon, Visayas, and Environment Atty. Juan Miguel Cuna; Manila Mayor Honey Lacuna; Manila Vice Mayor John Marvin “Yul Servo” Nieto; Manila Department of Public Services OIC Jonathan Garzo; at Brgy. 649 Punong Barangay Diana Espinosa, ang nanguna sa isinagawang paglilinis.
Binigyang-diin ni Cuna sa kanyang mensahe ang mahahalagang hakbang upang labanan ang mga negatibong epekto ng maling pamamahala sa mga basurang plastik. Ipinasa ng DENR noong 2000, ang Ecological Solid Waste Management Act (Republic Act No. 9003), na dinagdagan ng Philippine Development Plan (PDP) 2023–2028 at noong 2022 ang Extended Producer Responsibility Act (Republic Act No. 11898).
Kasama rin sa paglilinis, sina dating Regional Executive Director ng DENR-NCR at ngayo’y OIC Assistant Secretary for Environment and Environmental Management Bureau Director, Jacqueline Caancan; DENR-NCR OIC Assistant Regional Director for Management Services Erlinda Daquigan, Manila Bay Site Coordinating/Management Officer Forester Haidee Pabalate, at iba pang mga kinatawan ng tanggapan. Binigyang-diin ng DENR-NCR ang kritikal na pangangailangan para sa patuloy na kamalayan sa kapaligiran at napapanatiling mga kasanayan.
Buong pagmamalaki ni Lacuna ang aktibong partisipasyon ng lokal na komunidad para sa isinagawang paglilinis, “Everyone is involved in our fight to marine pollution, because it’s for everyone’s future, for today and the next generations to come. Seeing the local communities, together with several organizations, highlight our commitment to a cleaner, greener Manila”.
Ang mga cleanup volunteer na lumahok sa isang araw ng mga aktibidad sa paglilinis, ay nakapagkolekta (ayon sa inisyal na datos) ng higit sa 2000 sako ng mga halu-halong basura, na nakolekta ng humigit kumulang 3000 cleanup volunteers na nagmula sa halos 60 na organisasyon, na nagtaguyod ng isang mas malinis na Basecio Beach para sa lokal na mga residente at mga buhay-ilang mula rito.
Ang Baseco Beach Compound ay isa lamang sa tatlong identified key cleanup site sa Maynila para sa taong ito.
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -