27.5 C
Manila
Sabado, Oktubre 5, 2024

Katotohanan na sinimulan sa kasinungalingan – Hontiveros

- Advertisement -
- Advertisement -

BAGO mag-umpisa ang Senate inquiry ng Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality ngayon, Setyembre 24, 2024, na pinangungunahan ni Senator Risa Hontiveros sa mga napaulat na kaso ng human trafficking, cyber fraud operations at iba pang mga kaso na sangkot ang Philippine offshore gaming operators (POGOs), nagbigay ng kanyang paunang pahayag ang Senadora.

“Truth begins in lies.

“Ang katotohanan, talagang magpupumiglas sa patong-patong na kasinungalingan.

“Guo Hua Ping alyas Alice, you may have created a web of lies – the “perfect” script. Pero kahit anong galing mong magpaikot, kahit bali-baliktarin mo ang mundo, mas malakas ang pwersa ng katotohanan sa kasinungalingan.

”Naipagpapatuloy mo lang ang ganyang istorya dahil maliwanag pa sa sikat ng araw na may mga padrino ang POGO at may mga nagkakanlong sa iyo at sa mga kasabwat mo.

”May dalawang dating Deputy Commissioners ng Bureau of Immigration ang nakulong dahil sa bribery. Ngayon, nasibak sa pwesto ang dating BI Commissioner dahil hindi niya nagampanan ng wasto at tama ang kanyang trabaho.

”Maging sa ating kapulisan, nakakalungkot mang isipin kahit usap-usapan lang sa intel community, wala namang di masusurprise kung hindi sangkot ang mga kapulisan natin maging ang mga dating opisyal ng PNP.

”Bakit nga ba parang hindi nauubusan ng salapi ang mga tao o grupo sa likod ng POGO? Dahil hindi rin malayong may international mafia sa likod ng lahat ng ito.

“Tandaan po natin na bagamat nasa Pilipinas ang operasyon ng POGO, mga foreigners sa ibang bansa ang mga suki nito.

“Ang labis na ipinangangamba natin sa ngayon ay ang mga nabiktimang LGUs. Na-infiltrate ang Bamban, nakarating pa sa Sual, Porac at Cebu. Hindi pa natin alam sa ngayon kung anu-anong mga LGU pa ang infested na ng mga POGO.

“Anong mga LGU pa kaya ang nahawa sa POGO-pandemic na ito?

“Na-i-file na natin ang Senate Bill No. 2752 o ang “Anti-POGO Act”.

”Pero kahit maisabatas po ito, kung hindi natin mapupuksa ang pinaka-ugat ng POGO at matunton ang “puppeteer” nila alyas Alice Guo, babalik at babalik din po sa kasamaan na dala ng POGO.

”This is the reason why we are all here, to address and resolve the gaps in our laws.

”Unang-una, i-klaro at patatagin ang mandato ng ating mga ahensya upang mas suriin ang mga bagay na nasa kanilang hurisdiksyon. Halimbawa, ang PCG na nagsasabing hindi raw nila sakop ang pre-departure inspection ng mga pribadong sasakyang pandagat. Kailangan pong matakpan ang mga loophole kagaya nito. Gayundin ang PSA sa pagtanggap ng delayed registration of birth na madali malusutan – isa sa mga naging daan upang magawa ang napakalaking krimen at kasinungalingang ito.

”Pangalawa, nais po nating bigyang pansin ang pangangailangan ng isang integrated database ng ating mga ahensya. Ang alam ng isang ahensya ay dapat alam din ng ibang mga katulong nila sa pag-iimplementa ng batas.

”Huli, at pinakamahalaga, kailangang mas paigtingin ang batas at parusa para sa mga opisyal ng gobyerno na nagpoprotekta sa mga ilegal na gawain. Hindi na nila iniinda ang perpetual disqualification at dismissal. Hangga’t may mga magpprotekta sa mga kriminal at sindikato, babalik at babalik lamang tayo dito.”

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -