28.6 C
Manila
Sabado, Oktubre 12, 2024

Sec Laurel Tiu: Isang karangalan na maibahagi ang direksyon ng DA sa European Chamber of Commerce

- Advertisement -
- Advertisement -

IBINALITA ni  Secretary Francisco “Kiko” Tiu Laure Jr. ang kanyang kagalakan sa pagdalo ng 2024 Sustainable Agriculture Forum.

Aniya, “Isang karangalan po ang dumalo sa 2024 Sustainable Agriculture Forum at ibahagi sa mga miyembro ng European Chamber of Commerce ang direksyon ng DA para sa sektor ng agrikultura sa Pilipinas.

“Sa kabila ng mga hamon gaya ng climate change, pagkasira ng ating resources, at socio-economic pressures, patuloy ang pag-aksyon ng kagawaran upang matiyak ang food security sa bansa. Kabilang dito ang modernisasyon, pagpapabuti ng ating post-harvest at logistics, pag-expand ng agricultural areas, paggamit ng advanced technologies, at pagpapalawak ng market access.

“Layunin din ng DA na gawing mas accessible ang credit programs, incentives, at insurance upang makahikayat ng mga investor at mapababa ang risks para sa ating mga magsasaka.

“Upang mapalakas ang ugnayan ng DA sa mga stakeholders, gagawa din kami ng mga council na dadaluhan ng DA, pribadong sektor, mga magsasaka at mangingisda, at iba pang stakeholders na magpupulong buwan-buwan upang maisaayos ang direksyon ng kagawaran.

“Sa ating pagtutulungan, tiwala ako na bawat Pilipino ay magkakaroon ng access sa abot-kaya, ligtas, at masustansyang pagkain; uunlad ang ating mga magsasaka; at mape-preserba natin ating kalikasan.”

Mula sa Facebook page ng Department of Agriculture Philippines

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -