NAGING aktibong kabahagi si DENR National Capital Region OIC Regional Executive Director Atty. Michael Drake Matias sa isinagawang “2024 Metro Manila Partners’ Forum for the Adopt-an-Estero/Waterbody Program” ng EMB National Capital Region noong ika-3 ng Oktubre sa Quezon City.
Sa mensaheng ibinahagi ni Matias, binigyang-diin niya rito ang kahalagahan ng pakikilahok ng mga organisasyon at komunidad sa mga pagsisikap sa pangangalaga sa kapaligiran. “The Adopt-an-Estero/Waterbody Program is a vital initiative that empowers local communities to take ownership of their waterways. Together, we can work towards sustainable solutions that benefit both our environment and our communities,” ayon sa kanya.
“The Program encourages local communities, businesses, and government units to take an active role in caring for and maintaining the health of our rivers, estuaries, and other water bodies. By fostering partnerships among various sectors, we aim to create sustainable solutions that address the challenges faced by our aquatic ecosystems,” dagdag pa ni Matias.
Naging panauhing pandangal din si DENR OIC Assistant Secretary for Environment and concurrent EMB Director Jacqueline Caancan, na nagbigay rin ng kanyang makabuluhan at taos-pusong mensahe para sa lahat.
Ang kaganapan, na pinangunahan ni EMB-NCR Regional Director Engr. Maria Dorica Naz-Hipe, ay naglalayong palakasin ang pagtutulungan ng iba’t ibang stakeholder na nakatuon sa konserbasyon at rehabilitasyon ng mahahalagang daluyan ng tubig ng Metro Manila. Dito pinarangalan ang 118 na mga partner organizations mula sa iba’t ibang mga pampubliko at pribadong organisasyon gaya ng mula sa mga national government agency, local government unit, private sector, at mga paaralan.
Bahagi rin sa mga binigyang parangal dito ang DENR-NCR, ang Manila Bay Site Coordinating/Management Office nito, at ang apat na Metropolitan Environmental Offices—North, South, East, at West—na kinatawan nina Regional Strategic Communication and Initiatives Group Head Arizol Abad, OIC Director Engr. Virgilio Edralin Licuan (East), OIC Director Glenn Alvin Gustilo (North), OIC Director For. Olga Arzadon (South), at OIC Deputy Director For. Florencio Diwa Jr.
Kasama rin sa kaganapan, ang mga kalahok din ay nakibahagi sa mga makabuluhang talakayan na nakatuon sa mga makabagong estratehiya at mga hakbangin para protektahan at pahusayin ang mga estero at iba pang mga daluyang tubig ng rehiyon.
Ang DENR-NCR at EMB-NCR ay patuloy nakatuon sa pagpapaunlad ng mga pakikipagtulungan at pagpapahusay ng pakikipag-ugnayan sa mga stakeholder at komunidad upang makamit ang isang mas malinis, mas malusog na kapaligiran para sa lahat ng residente ng Metro Manila.