25 C
Manila
Huwebes, Nobyembre 7, 2024

Sen Villanueva: Dumarami ang mga POGO-infested LGUs

- Advertisement -
- Advertisement -

NAGBIGAY ng kanyang Opening Statement si Senator Joel Villanueva sa ginanap na hearing ng Senate Committee on Women ngayon, October 8, 2024. Narito Ang kanyang pahayag.

“Let me on the onset commend our chairperson for leading this committee and the committee itself for unearthing a lot of very important information and initiatives to introduce in aid of legislation in helping our legislators especially here in the Senate to come up with better laws, more effective laws that will govern our beloved country.

“Mahaba-haba na rin po ang bilang ng pagdinig ng Senado sa isyu ng POGO dito sa Senado dito sa isyu ng POGO. Again, I still remember the time when I called for in the Committee on Labor, yung biggest human trafficking scandal doon sa Clark Air Base that led to the arrest and pagkakakulong ng dalawang commissioner ng Bureau of Immigration. Marami na pong nalantad dito sa komiteng ito, dito sa Senado. Masasabi na nalantad yung pambabalahura ng mga kriminal sa ating mga batas at maging sa ating bayan. Sunod-sunod na po yung mga kaso ng human trafficking, prostitution, torture, debt bondage, forced labor, illegal detention, kidnapping, illegal drugs, etc. yung mga nadiskubre po dito sa mga POGO.

“Nagpapasalamat po tayo dahil yung ating Pangulo noong nakaraang SONA, tinuldukan po niya itong POGO – legal man o illegal, pero hindi pa rin natatapos ang mga problemang dala ng POGO na mas malala pa ngayon at tila baga ngayon ay kumikilos para impluwensyahan ang ating pamahalaan, ang ating gobyerno maging ang mga elected officials ng pamahalaan.

“Mismong mga niluklok pa ng taumbayan sa pwesto ang nangunguna sa panloloko at pagpapalaganap ng krimen sa ating bayan. Nakakalungkot po na dumarami ang mga POGO-infested LGUs.

POGO politics represents a new form of corruption, where candidates for the 2025 elections could be sponsored by POGOs. Kaya maganda po na ang taongbayan pinakikinggan tayo, sinusubaybayan dahil alam nila yung evils of POGO politics.

“Nakakasalukasok po ang isang kagaya ni Guo Hua Ping na napatunayang hindi tunay na Pilipino na nag-fi-file ng Certificate of Candidacy para tumakbo bilang alkalde.

“This would be a mockery of our laws, especially considering that the Office of the Ombudsman has determined she is perpetually disqualified from holding any government position. Hindi po tayo papayag lalo na po ang Senado at tinatawag natin ang atensyon ng Comelec na agaran nang ibasura ang Certificate of Candidacy ng mga kagaya ni Guo Hua Ping.

“Nakakalungkot din po. Nakita ko si Mayor Calugay na napapirma natin dun sa waiver pero ang pinirmahan niyang waiver ay napakageneral. Lahat po ng blangko dun, wala kayong nilagay na kahit na ano. Napakasimple po. Dalawang pahina lang po noong waiver. Kaya parang for show lang yung waiver. Kaya mamaya po, we will pound on this kung totoo na gusto niyo na tapat at ipakita sa taong bayan na wala po kayong tinatago.

“Paalala lang po sa ating mga elected officials at mga ahensya ng gobyerno: bukod sa sinumpaan ninyong tungkulin na magsabi ng katotohanan, mayroon kayong mas mabigat na katungkulan sa bayan at sa mamamayang Pilipino.

“Sa nalalapit na pagtatapos ng mga pagdinig tungkol dito sa isyu ng POGO, umaasa po tayo na hindi lang mapaparusahan ang mga kriminal, ang mga sangkot sa napakamasalimuot na aktibidad ng mga ilegal na POGO kundi maging dahilan na rin po ito ng paglilinis sa ating sistema para masigurong hindi na tayo muling maloloko at mababastos sa sarili nating bayan, at higit sa lahat, maiwasan at mapigilan natin na magkaroon ng mga POGO-sponsored elected officials.”

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -