30.2 C
Manila
Martes, Nobyembre 5, 2024

Reticulated phyton natagpuan sa Paco, Maynila

- Advertisement -
- Advertisement -
NAGSAGAWA ng wildlife retrieval operation ang Enforcement Team ng DENR Metropolitan Environmental Office (MEO) – West sa kahabaan ng mga eskinita ng Paco, Brgy. 672, Maynila, kung saan natagpuan ang isang reticulated python (Malayophyton reticulatus).
Tinatayang may timbang ito na pito hanggang walong kilo, katumbas ng bigat ng isang portable na bisikleta. Ang nasabing sawa ay agarang dinala sa Biodiversity Management Bureau – Wildlife Rescue Center sa Quezon City upang matiyak ang kalusugan at wastong pangangalaga nito.
Patuloy na sumusuporta ang DENR Metropolitan Environmental Office (MEO) – West sa mga adhikain at polisiya para sa pangangalaga ng lahat ng species, reptiles man, domestic, o iba pa. Kaugnay nito,pinapaalalahanan ng tanggapan ng MEO-West ang publiko pagdating sa mahigpit na pagbabawal sa panghuhuli at pag-aalaga ng wild animals sa ilalim ng RA 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act of 2001 ng walang kaukulang permit.
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -