MAY parusa ba ang mga opisyal ng barangay kung hindi sila nakapagsagawa ng Barangay Assembly ngayong ikalawang semestre ng 2024?
Oo.
Alinsunod sa Local Government Code of 1991 at sa Proklamasyon Bilang 599 s. 2018, ang mga opisyal ng barangay ay inaatasang magsagawa ng “Barangay Assembly” upang magbigay ulat sa mga residente tungkol sa mga plano, ulat pananalapi at iba pang paksa sa barangay.
Ang mga opisyal ng barangay na nabigong magsagawa ng Barangay Assembly ay maaring humarap sa kaukulang administratibong reklamo na maaaring ihain ng sinumang residente ng barangay, concerned citizen, governmental o non-government entity sa Sangguniang Panlungsod o Sangguniang Bayan. Ang hindi pagsunod dito ay maaaring magresulta sa mga parusa alinsunod sa Section 61 ng Local Government Code at Administrative Order No. 7 o ang Rules of Procedure ng Office of the Ombudsman.
Mula sa Facebook page ng DILG