27.3 C
Manila
Biyernes, Marso 28, 2025

Senate President Escudero nagpasalamat kay PBBM

- Advertisement -
- Advertisement -

MASAYANG nagpasalamat si Senate President Chiz Escudero sa suporta na ibinigay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at kay First Lady Liza Araneta sa pagdalo ng mga ito sa pasinaya ng Sorsogon Sports Arena at pagdiriwang ng pagkakatatag ng Bicol.

Larawan mula sa Facebook page ni Senate President Chiz Escudero

Aniya, “Nagpapasalamat tayo sa naging suporta ng ating mahal na Pangulong Bongbong Marcos at kay First Lady Liza Araneta-Marcos na dumalo dito sa napakahalagang okasyon sa ating minamahal na lalawigan ng Sorsogon.

“Talagang malayo na ang narating ng Sorsogon at sigurado ako na mas malayo pa ang mararating natin sa darating na panahon. Sino mag-aakala na magkakaroon tayo ng ganitong klaseng arena kung saan makakanood tayo ng iba’t ibang kasiyahan, hindi lamang sa panahon ng Kasanggayahan, kundi sa anumang okasyon ng ating lalawigan.
“Hindi pa kami tapos at malayo pa ang aming lalakbayin at buo ang aking paniniwala na sa tulong ninyo, sa ilalim ng inyong administrasyon at sa prinsipyong isinusulong ng inyong pamahalaan na ‘build back better’ marami pa kaming magagawa, marami pa kaming mapapatunayan, marami pa kaming makikita upang sa gayon ay maisakatuparan namin ang aming pangarap at mithiin para sa aming inang lalawigan gayundin sa aming rehiyon ng Bicol.”
Mula sa Facebook page ni Senate President Chiz Escudero
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -