30.6 C
Manila
Biyernes, Disyembre 13, 2024

Pimentel, pinayuhan si VP na kumonsulta sa pamilya o kaibigan

- Advertisement -
- Advertisement -

NAGPAHAYAG ng pag-aalala at pagkabahala si Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III nitong Lunes, Oktubre 21 sa mga kontrobersyal na pahayag kamakailan ni Bise Presidente Sara Duterte at nagbigay ng payo sa dating mayor ng Davao City na humingi ng tulong o ka kumausap ng kaibigan o pamilya.

Sa isang press briefing kasama ang mga Senate reporters nitong Lunes,  sinabi ni Pimentel na siya ay “nag-aalala” para kay Duterte matapos itong magbitaw ng mga pahayag, kabilang na ang nakakagulat na sinabi niyang ipapa-exhume niya ang katawan ng dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. at itatapon ito sa West Philippine Sea.

“Actually, nag-aalala ako para sa kanya, kay Bise Presidente. Sa tingin ko, kailangan niyang makipag-usap sa mga propesyonal at siguro sa mga malalapit na kaibigan at pamilya para mailabas niya ang kanyang mga nararamdaman at iniisip,” ayon kay Pimentel.

Inilarawan ni Pimentel ang mga pahayag ni Duterte bilang hindi karaniwan, at kakaiba (strange)

“Hindi siya usual eh. Yung mga nasabi niya, hindi usual po yun. Hindi yung na-verbalize niya yung naisip niya, yung naisip niya ang hindi usual. So, siguro kailangan niya may makausap na mas madunong sa atin,” ani Pimentel.

Sinabi ni Pimentel na mahalaga para sa sinuman ang magkaroon ng outlet para sa kanyang mga damdamin at iniisip.

“Kailangan niya may kausap siya na mas madunong pa sa akin kasi abogado ako, ibang field ang kailangan na kausap ni VP. But of course, family can also help. So dapat may close family, friends, relatives, kausap. O propesyonal,” dagdag ng senador.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -