30.6 C
Manila
Biyernes, Disyembre 13, 2024

DoH nagbigay ng gabay pangkalusugan para sa indibidwal, pamilya sa evacuation centers

- Advertisement -
- Advertisement -

PINAALALAHANAN ng Kagawaran ang Kalusugan o DoH ang mga mamamayan na pansamantalang tumutuloy sa mga evacuation centers ngayong panahon ng sakuna na panatilihing malusog ang pangangatawan at umiwas sa sakit.

Sa Rehiyon Uno ay mayroong 357 na pamilya o katumbas ng 1,300 na indibidwal ang kasalukuyang nananatili sa mga evacuation centers dahil sa pananalasa ng bagyong Kristine, ayon sa pinakabagong tala ng Kagawaran ng Tanggulang Pambansa.

Ayon kay DOH Ilocos Medical Officer IV Rheuel Bobis, ilan sa mga simpleng paraan para makaiwas sa sakit ay ang palagiang paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig o hindi naman kaya ay paggamit ng alcohol.

Aniya, makakatulong din ang pagsusuot ng facemask at ang pagtatakip ng bibig kapag uubo o babahing.

Dagdag pa ni Bobis, mahalaga na iwasan din ng mga kababayang nasa evacuation centers ang paghiram ng mga personal na gamit gaya ng suklay, tuwalya, at iba pa.

Samantala, may paalala rin ang kagawaran sa mga nangangasiwa ng evacuation centers.

“Dapat ay mayroon pong maayos at malinis na palikuran na nakahanda para sa ating mga evacuees,” ani Bobis.

Dagdag pa nya, “Kailangan din pong maglaan ng lugar para sa paghuhugas ng mga gamit o paglalaba ng ating mga lumikas na kababayan.”

Nagtalaga ang kagawaran ng mga health workers sa bawat evacuation site sa rehiyon.

Kaya naman hinihikayat ni Bobis ang mga apektadong residente na ipagbigay alam agad sa mga health workers kung sila ay makakaramdam ng mga sintomas gaya ng lagnat, ubo, rashes, pagsusuka at pagtatae upang agarang mabigyan ng lunas o maihiwalay sa ibang evacuees kung kinakailangan para hindi na makahawa. (AMB/CGCC/PIA Region 1)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -