PATULOY na isinusulong ni Senator Bong Go ang pagsasabatas sa Senate Bill No. 2451 o Ligtas Pinoy o Mandatory Evacuation Centers Bill sa lalong madaling panahon upang magkaroon na ng dedicated evacuation centers ang bawat munisipalidad at lungsod sa bansa. Aprubado na ito sa third and final reading ng Senado noong September 23, 2024.
Ipinahayag ni Senador Bong Go, pangunahing may-akda at co-sponsor ng panukalang batas, na kailangan talagang magtayo ng mga ligtas at komportableng evacuation centers upang matiyak ang kaligtasan ng mga Pilipinong apektado ng kalamidad o sakuna.