26 C
Manila
Huwebes, Disyembre 12, 2024

PDRRMO: ₱40.3M halaga ang pinsalang dulot ni ‘Kristine’ sa Marinduque

- Advertisement -
- Advertisement -

AABOT sa ₱40,361,623.24 ang buong halaga ng pinsala ng bagyong Kristine sa lalawigan ng Marinduque.

Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ng Marinduque, malaki ang pinsalang idinulot nito sa ilang mga istruktura, ari-arian, at hanay ng agrikultura sa probinsya.

Sa panayam ng Philippine Information Agency kay PDRRMO Chief Juan Fernandez, Jr., umabot sa ₱35,471,364.73 ang halaga ng pinsala sa mga pananim, ₱1,833,000 naman ang pinsala sa pangisdaan, at ₱7,600 naman sa mga napinsalang hayop.

Iniulat naman ng Marinduque Electric Cooperative (Marelco) na ang halaga ng mga nasirang poste ay umabot sa ₱3,049,658.51.

Bukod dito, nasa ₱6,750,000 ang naging pinsala sa mga imprastraktura kung saan ₱1,800,000 ang halaga ng nawasak na Balagasan Foot-Bridge sa Boac, ₱500,000 ang Malibago-Talawan Provincial Road, ₱3,000,000 sa Bolo Provincial Road, ₱1,200,000 sa Bayakbakin Municipal Housing Project at ₱250,000 naman ang halaga ng nasirang Torrijos Rural Health Unit Building. Gayundin ang nasirang bahagi ng MCR Tarug sa bayan ng Mogpog.

Samantala, umabot naman sa 28 kabahayan ang partially damaged at dalawang bahay ang totally damaged.

Ayon pa kay Fernandez, sa kasalukuyan ay nananatiling nasa Red Alert Status ang buong lalawigan ng Marinduque dahil sa patuloy na nararanasang malalakas na hangin at ulan gayundin ang suspensyon ng mga biyahe ng mga sasakyang pandagat papasok at papalabas ng lalawigan. (DN/PIA MIMAROPA-Marinduque)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -