26.1 C
Manila
Biyernes, Enero 17, 2025

1,700 pamilya pa ang natulungan sa Batangas

- Advertisement -
- Advertisement -
PATULOY sa pagtulong ang Office of the Vice President (OVP) sa mga pamilyang labis na naapektuhan ng Typhoon #KristinePH sa Batangas kahapon, November 6, 2024.
Sa pamamagitan ng OVP Disaster Operations Center (OVP-DOC), umabot sa kabuuang 1,700 na mga apektadong pamilya ang natulungan sa probinsya.
Unang namahagi ang OVP-DOC ng Food Boxes (FBs) sa 520 pamilya sa San Luis.
Sumunod na pinuntahan ng mga kawani ang Taal, at namahagi ng grocery bags sa 500 pamilya. Ang mga ito ay naglalaman ng 5kg of rice, bottled water, cup noodles, biscuits, instant coffee, slippers, dental and hygiene kit, na pinagsama-samang donasyon mula sa mga pribadong indibidwal.
Namahagi rin ng FBs sa 680 pamilya sa walong evacuation centers sa Agoncillo, partikular na sa Agoncillo Central School (ACS), 49 families; Subic, 141; Pansipit Evacuation Center, 128; Pook Elementary School, 100; Coral High School, 83; Coral Elementary School, 65; Balangon, 94; at Agoncillo College Inc. (ACI), 20.
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -