27.8 C
Manila
Huwebes, Enero 16, 2025

Mga residente sa Cagayan Valley, naghahanda na sa epekto ng bagyong Nika

- Advertisement -
- Advertisement -

MULING pinaalalahanan ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council ang mga local DRRMCs at mga mamamayan na maging alerto sa maaring epekto ng bagyong Nika sa Lambak Cagayan.

Dahil sa magkakasunod na bagyo ay malambot na ang kalupaan kaya pinangangambahan ang muling pag-apaw ng mga ilog at ang pagguho ng lupa sa mga kabundukan, kaya naman muling ini-atas ng RDRRMC ang pagpapatupad ng preemptive evacuation.

Ang ilang mga residente ay itinali na ang kanilang mga bubong upang hindi tangayin ng malakas na hangin.

Sa Buguey, Cagayan kung saan humagupit ang bagyong Marce, napatunayan ng ilang mga residente na epektibo ang ganitong paraan ng paghahanda.

Ayon kay Edison dela Cruz, residente ng Buguey, Cagayan, bago pa man dumating ang bagyong Marce ay itinali na niya ang bubong ng kanilang bahay at ang bahay ng kaniyang mga magulang.

“Noong mapansin namin na malakas ang bagyo at nagtali na kami ng aming mga bahay. Nakikita namin sa Batanes na ganyan ginagawa nila, nagtatali sila. Kung wala iyan ay malamang tinangay na ang bubong namin,” pahayag ni Dela Cruz.

Samanatala, puspusan naman ang pag-aayos na ginagawa ng mga guro sa mga silid-aralang nasalanta ng bagyong Marce sa Cagayan.

Sa Buguey North Central School, napuruhan ang bubong ng dalawang palapag na silid-aralang ito.

“Dito po sa taas wala munang gagamit. kaya nandito kami sa schoool kasi nagaayos parin kami ng mga lilipatan na mga classrooms at nagrequest po kami ng temporary learning shelter, hopefully within a month ay darating na po,” ani Florencia Cariño, DRRM Coordinator ng paaralan. 

Sa ngayon ay sinisikap ng mga guro sa eskwelahang ito na ayusin ang mga nasira ng bagyong Marce. Siniguro naman ng mga ito na ibabalik nila sa normal ang klase ng mga mag-aaralsa lalong madaling panahon. (OTB/PIA Region 2) 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -