26.1 C
Manila
Biyernes, Enero 17, 2025

PBBM pinasinayaan ang LRT-1 Cavite Extension Project Phase 1

- Advertisement -
- Advertisement -

PARA sa mas maginhawang biyahe ng mga komyuter at mas modernong sistema ng transportasyon, pinasinayaan ngayon, Nobyembre 15, 2024,ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) Cavite Extension Project Phase 1 (L1CE), na magiging operasyonal na simula bukas, ika-16 ng Nobyembre.

Limang bagong istasyon sa Parañaque City ang handa nang magdala ng mas mabilis at mas maginhawang biyahe para sa ating mga commuters.

Ang Phase 1 ng  L1CE ay ang mga sumusunod na istasyon: Redemptorist-Aseana, Manila International Airport Road, Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX), Ninoy Aquino Avenue, at Dr. Santos (dating Sucat).

Binigyang-diin rin niya ang mabilis na pagtatapos ng iba pang proyekto gaya ng Unified Grand Central Station, MRT-7, at North-South Commuter Railway.

Inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang dedikasyon ng pamahalaan na magdala ng sistema ng transportasyon sa bawat lugar kung saan ito kinakailangan.

“The L-1-CE Project has been a long time in the making—spanning five administrations, starting with President Estrada, to President Arroyo, President Aquino, President Duterte, and now, to mine,” sabi ni pangulong Marcos.

“We owe this progress to the hard work and dedication of my predecessors; we must recognize their roles in helping making this dream a reality,” dagdag pa niya.

Teksto halaw sa ulat ng Presidential News Desk. Mga larawan mula sa Presidential Communications Office

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -