SA gitna ng magalaw na exchange rate at mataas na interest rates, ano na ang kinahinatnan ng panlabas na utang ng Pilipinas at ang ating credit rating? Ano ang Credit Default Swap (CDS) premium kumpara sa mga kapitbansa sa Asya?
Sa 2024, ang mundo ay sumalubong sa pagbulusok ng exports of goods at services, nagtataasang interest rates, at sumasayaw na exchange rates habang binabaka ng mga bansa ang pagtaas ng inflation. Kahit nagsimula nang magtapyas ng interest rates ang mga malalaking advanced economies gaya ng Estados Unidos at European Economic Community (EEC) noong mga huling buwan ng taon, lumabo ang trend ng inflation rates kamakailan at muling nagkaroon ng agam-agam kung itutuloy ang pagbaba ng interest rates.
Sa huling araw ng Hunyo 2024, umakyat ang external debt outstanding ng Pilipinas ng 8.3% (sa $128.7 bilyon) ngunit mas mataas ang paglago ng Gross National Income (GNI) mula October 2023-September 2024 na naitala sa 11.1%. Mas malaki ang GNI kaysa sa Gross Domestic Product (GDP) dahil kasama sa sukatan ng GNI ito ang net factor income mula sa ibang bansa gaya ng Overseas Filipino Worker (OFW) remittances at kita ng mga Filipino investors sa kanilang portfolio investments sa ibang bansa.
Dahil sa malagong GNI, bumaba ang ratio ng external debt sa GNI sa 25.4%, mas mababa kaysa sa 25.9% noong Disyembre 2023 at sa 26.6% noong Hunyo 2023. (Table 1) Bumaba ang public sector debt ng 5.9%, mula $77.83 bilyon sa $73.23 bilyon. Nagsimula nang umepekto sa antas ng external debt ang fiscal consolidation program ng pamahalaan. Sa buong taong 2024, bababa ang deficit ng National Government (NG) sa P1.5 trilyon, equivalent sa 5.6% ng GDP, ngayong taon mula sa P1.5 trilyon pa rin ngunit 6.2% ng GDP noong 2023.
Dahil sa pagtaas ng interest rates at pagbaba ng exports, tumaas ang ratio ng external debt service sa Exports of Goods & Services, Primary Income and Secondary Income. Mula 6.7% noong 2019 bago mag-pandemya, ito ay umakyat sa 9.8% noong 2023, ngunit muling bumaba ito sa 8.8% noong Enero hanggang Agosto 2024.
Ano ang epekto ng mga paggalaw na ito sa credit rating ng Pilipinas?
Napanatili ng bansa ang investment-grade rating sa ating sovereign debt o ang utang ng pambansang pamahalaan o National Government (NG). Patuloy ang access ng bansa sa mga pondong may mababang interest rate na available sa mga development partners at international capital markets. Noong Hunyo 8, 2024, pinagtibay ng Fitch Ratings ang “BBB (Better Business Bureau)” credit rating ng bansa, isang baitang na mas mataas kaysa sa minimum investment grade rating. Pinanatili rin ng Fitch ang outlook na stable sa outlook ng ating rating. Ang desisyong ito ay base sa malagong projection ng medium-term economic growth, stable na antas ng debt, malakas na macroeconomic policies at ang patuloy na pagbaba ng inflation. Nag-ambag din sa desisyong ito ang mataas na surplus na nakamtan sa balance-of-payments (BOP) na umabot sa $1.44 bilyon noong unang anim na buwan ng 2024.
Noong Nobyembre 26, 2024, pinagtibay din ng isa pang major credit rating agency, ang Standard & Poors (S&P) ang investment-grade rating ng bansa na “BBB+” at in-upgrade pa ang outlook sa positive. Ang ibig sabihin, maaaring makamit ng Pilipinas ang pinaka-aasam-asam na credit rating “A-“ sa susunod na review. Sabi ng S&P, ang pag-akyat ng outlook ay ginawa dahil sa epektibong pamamalakad ng economic policymaking kasama ang fiscal reforms, tumataas na infrastructure spending at macroeconomic policy environment na nagpataas ng economic growth noong nakaraang dekada. Tumaas ang average GDP growth noong nakaraang dekada, na maliban sa kasagsagan ng Coivid 19, ay rumatsada sa 6.4% mula sa mabagal na 4.6% noong dekada 2000.
Nakikita ang epekto ng credit rating sa mga interest rates na ipinapataw sa mga pautang ng bansa, at sa premium ng credit default swaps. Ang pinaka-latest na terms ng sovereign debt issues ng mga bansa na may credit rating na “BBB” at “Baa2” countries ay nasa Table 2. Ipinapakita nito na sa grupo ng siyam na bansa, ang Pilipinas ay isa sa mga may pinakamababang interest rates na ipinapataw. Sa iniisyu na 10-year bonds na denominated sa US$, ang Pilipinas ay pinapatawan ng 185.9 basis points (bps), ikatlo sa siyam na bansa. Sa spread naman ng credit default swaps (CDS) kung saan bumibili ang investor ng insurance para ilipat ang collection risk ng isang bond sa ibang tao, ang spread ng Pilipinas ay pinakamababa sa 61 bps kumpara sa average na 108.7 bps. Ang ibig sabihin nito, nanghihingi ang mga investor ng mas mababang interest kapag sila ay bumibili ng bonds ng Pilipinas. Kampante ang mga investor na kayang bayaran ng Pilipinas ang mga utang nito.
Table 1. EXTERNAL DEBT & RATIOS | 2019 | 2020 | 2023 | 2024 | % Change ’24/’23 | |||
EXTERNAL DEBT OUTSTANDING, US$ Billion | ||||||||
End-December | 83.6 | 98.5 | 125.4 | .. | ||||
End-June | 80.4 | 81.4 | 118.8 | 128.7 | 8.3% | |||
PERCENT GROWTH YOY | 5.9% | 17.8% | 12.7% | .. | ||||
Public Sector | 42.80 | 50.9 | 77.83 | 73.23 | -5.9% | |||
Private Sector | 37.6 | 30.5 | 40.98 | 55.46 | 35.3% | |||
EXTERNAL DEBT OUTSTANDING, % of GNI | ||||||||
End-December | 20.2% | 25.3% | 25.9% | .. | ||||
End-June | 20.3% | 20.2% | 26.6% | 25.4% | ||||
AVERAGE MATURITY, MEDIUM- AND LONG-TERM EXTERNAL DEBT, YEARS | As of End-March | |||||||
End-December | 16.7 | 17.0 | 17.2 | 16.7 | -2.9% | |||
Public Sector | 20.9 | 16.8 | 20.3 | 19.6 | -3.4% | |||
Private Sector | 7.4 | 7.4 | 7.2 | 7.7 | 6.9% | |||
EXTERNAL DEBT SERVICE, % of Exports of Goods & Services & Primary Income | ||||||||
January-December | 6.4% | 6.3% | 9.8% | .. | ||||
January-August | 3.4% | 4.7% | 9.7% | 8.8% | ||||
PRINCIPAL PAYMENTS ON EXTERNAL DEBT, % of Exports of Goods & Services & Primary Income | ||||||||
January-December | 4.2% | 4.1% | 5.3% | .. | ||||
January-August | 2.0% | 3.4% | 8.3% | 4.3% | ||||
INTEREST PAYMENTS ON EXTERNAL DEBT, % of Exports of Goods & Services & Primary Income | ||||||||
January-December | 2.2% | 2.2% | 4.7% | .. | ||||
January-August | 1.4% | 1.3% | 3.6% | 5.3% | ||||
Source: Bangko Sentral ng Pilipinas |
Table 2. TERMS OF LATEST SOVEREIGN BOND ISSUES, BBB/Baa2 COUNTRIES | |||
As of 10 December 2024 | Sovereign | ||
(BPs above 10-YR US TREASURYS) | Bond Spread | CDS Spread** | |
bps above | bps | ||
10 Yr US Treasurys* | |||
BULGARIA | -56.4 | 110 | |
CYPRUS | -148.4 | na | |
PHILIPPINES | 185.9 | 61 | |
HUNGARY | 233.7 | 125 | |
PERU | 234.7 | 80 | |
INDONESIA | 281.2 | 72 | |
MEXICO | 627.0 | 118 | |
COLOMBIA | 644.2 | 195 | |
KHAZAKHSTAN | 901.0 | na | |
AVERAGE | 322.5 | 108.7 | |
na. Not available | |||
Sources: * World Government Bonds.com | |||
** Greenberg Center for Geoeconomic Studies |