26.2 C
Manila
Sabado, Pebrero 15, 2025

Maikling kasaysayan ng pambatang telebisyon sa bansa

PUWERA USOG PO

- Advertisement -
- Advertisement -

Sige nga, ano ang paborito ninyong pambatang palabas sa telebisyon?

Natatandaan ko pa na nagustuhan ko ang โ€˜Sesame Streetโ€™ noong paslit pa ako. Kapag nagbabakasyon ako sa bahay ng Lola ko sa poblacion sa Talavera (lalawigan ng Nueva Ecija), doon ko ito napapanood. Wala pa kasing kuryente noon sa aming barangay sa Talavera. Gusto ko rin ang โ€˜Ora Engkantadaโ€™ย  tuwing gabi bago maghapunan. Nandiyan din ang mga palabas na cartoons. Paborito ko rin si โ€˜Popeye, the Sailor Man.โ€™

Kalaunan ay nagkaroon na rin kami ng aming sariling telebisyon sa bahay kahit wala pa noong linya ng kuryente. Mayroon kaming de-bateryang telebisyon! Kapag nakita ko nang may itim na margin na sa gilid ng buong TV screen, alam kong kaunti na lamang ang laman ng naturang baterya at kailan nang kargahan. Sa tulong ng aming de-bateryang telebisyon, napanood ko rin ang maraming palabas sa TV gaya ng Kaluskos Musmos at Kulit Bulilit na naging popular noong dekada 70.

Ngayon, malinaw pa ba sa inyong gunita ang mga palabas na gaya ng Batibot, Hiraya Manawari, 5&Up, Bayani, Pahina, Sineskwela, Epol/Apple, at MathTinik?


Ayon sa pananaliksik, ang Childrenโ€™s Hour ng British Broadcasting Corporation o BBC ang unang programang pambata sa telebisyon na ipinalabas noong 1946. Ito ay isang Live Sunday afternoon show na nagtatampok sa kilalang puppet, ang Muffin the Mule kasama ang presenter na si Annette Mills.

Sa Pilipinas naman, ang unang palabas na pambata ay ang Uncle Bobโ€™s Lucky 7 Club. Ito ay nilikha ni Robert โ€œUncle Bobโ€ Stewart, isang American war correspondent-turned-TV personality at siya ring founding father ng Republic Broadcasting System (na ngayon ay GMA Network). Sa palabas na ito, ang mga batang edad mula apat (4) na taon ay binibigyan ng pagkakataong makasali sa Uncle Bobโ€™s Club kung saan silaโ€™y nabibigyan ng Lucky 7 Membership Club card na may โ€œsecret codeโ€ sa likod. Ang mga manonood naman na nasa bahay ay maaaring sumulat kay Uncle Bob at binabasa niya ang naturang liham sa ere (on air), na labis na siyang ikinatutuwa ng mga bata. Umere ito ng halos tatlong dekada mula 1961-1992. Ipinakilala ng palabas na ito ang dalawang puppets na sina Spanky at Pancho.

- Advertisement -

Isa pa sa kilalang palabas na pambata na umere naman mula 1980s hanggang 1990s ay ang Batibot โ€“ย  isang pambatang palabas na spin-off program ng Sesame at Filipino version ng Sesame Street. Ang Batibot ay isang palabas na layong magturo sa mga pre-schoolers sa pamamagitan ng sayaw, kanta, at role-playing. Ang Sesame ay co-production ng Philippine Children’s Television Foundation (PCTVF) at Childrenโ€™s Television Workshop (CTW) na may suporta mula sa gobyerno ng Pilipinas. Ito ay ipinalabas noong 1983 bilang bilingual (Filipino at English) na programa. Itinatampok nito ang dalawang kilalang karakter na sina Pong Pagong at Kiko Matsing na nabuo dahil sa pabulang Filipino na โ€œAng Matsing at ang Pagongโ€.

Natapos ang suporta ng gobyerno sa Sesame noong 1984 at ang co-production with Childrenโ€™s Television Workshop ay nakansela. Dahil dito, noong 1985, ang Batibot ay pinrodyus ng Philippine Children’s Television Foundation (PCTVF). Ang Batibot ang isa sa mga popular at longest-running all-Filipino childrenโ€™s TV show sa Pilipinas na ipinalabas sa RPN 9, ABS-CBN at GMA. Ang โ€˜Batibotโ€™ ay nagmula sa salitang Tagalog na nangangahulugang โ€œmaliit, subalit malakas at masigla”.

Maliban sa mga karakter mula sa Sesame na sina Pong Pagong at Kiko Matsing, ilan sa mga karakter na tumatak sa mga batang Pilipino ay sina Manang Bola, Ningning at Gingging, Irma Daldal, Sitsiritsit and Alibangbang, at Kapitan Basa. At syempre, malilimot ba natin ang resident storyteller ng Batibot na si Kuya Bodjie (Pascua)? Si Kuya Bodjie ang naging gold standard ng marami pagdating sa pagkukuwento. Nakasama ko ang TV-movie-stage actor na si Kuya Bodjie nang maging volunteer ito sa Kythe Foundation (na nooโ€™y nasa loob pa East Avenue Medical Center) na tumutulong sa psychosocial needs ng mga batang may kanser.

Maliban sa Philippine Childrensโ€™ Television Foundation (PCTV), mas dumami pa ang mga pambatang palabas na sumibol at na-produce ng ABS-CBN Foundation noong 1990s. Ilan sa mga ito ay ang Sineโ€™skwela, isang Science educational show para sa mga mag-aaral sa elementarya na ipinalabas mula noong 1994; Hirayamanawari, isang programang nakatuon sa pagpapahalaga o values; Bayani na tungkol naman sa kabayanihan at mga pamana; at MathTinik, palabas na tungkol sa Matematika para sa elementarya at intermediate na mga mag-aaral; at Epol/Apple.

- Advertisement -

Nariyan din ang palabas kung saan nagsimula ang kilalang broadcast journalist na si Atom Araullo, ang 5 & Up. Ito ay isang informative show kung saan ang mga batang edad siyam hanggang labindalawang taong gulang ang host at reporter ng programa. Ito ang kids version ng kilalang documentary program noong 1990s, ang The Probe Team ni Ms. Cheche Lazaro, na siya ring producer ng 5&Up. Ipinalabas ito sa telebisyon mula 1992 hanggang 2022 sa ABC 5 (ngayon ay TV5) at GMA7.

Pinalad din ang aming ahensya, ang National Council for Childrenโ€™s Television (NCCT), na mapagsama-sama ang mga tao sa likod ng mga ilang klasikong palabas na pambata mula 1990s to early 2000s, at ilang piling content creators, sa isang birtuwal na pagtitipon. Ang mga director, writer, producer, researcher at consultant ng mga palabas katulad ng Batibot, Sineskwela, 5&Up, Hirayamanawari, Bayani at iba pa, ay nagpaunlak din upang maibahagi ang kanilang kaalaman at karanasan sa pagbuo ng pambatang palabas.

Tinalakay sa pagtitipon na ito ang pagkakaiba sa paggawa ng pambatang palabas noon at ngayon, ang mga pagsubok na kinaharap nila sa paggawa ng childrenโ€™s shows, at kung ano ang aspirasyon nila para sa Childrenโ€™s Media sa Pilipinas. Naging mabunga ang idinaos na โ€˜Dialogue with Content Creatorsโ€™ (DCC) ng NCCT.

Umaasa ako na muling magkakaroon ng marubdob na pagnanais na maitampok ulit ang โ€˜para sa bataโ€™ sa mga palabas sa telebisyon. Bagamaโ€™t ang TV ay isang medium na nakatingin sa โ€˜ratings game,โ€™ alam kong marami pa rin ang nangangarap na itoโ€™y mas magiging child-friendly o makabata sa paglipas ng mga taon.

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -