28.5 C
Manila
Sabado, Hunyo 6, 2026

Sen Robin, isinulong ang panukalang magbibigay proteksyon sa Balik-Islam

- Advertisement -
- Advertisement -

ISINULONG ni Sen. Robinhood “Robin” Padilla nitong Martes ng gabi ang panukalang batas na magbibigay ng proteksyon sa mga balik-Islam sa pamamagitan ng representasyon sa National Commission on Muslim Filipinos (NCMF).

Sa kanyang sponsorship speech para sa Senate Bill 2819, iginiit niya na patuloy ang pagdami ng mga nagbabalik-loob sa Islam tulad niya, at kailangan nila ng proteksyon sa mga “blind leaders” na nagbibigay ng maling katuruan.

“Ang totoo po, napakaraming balik Islam ang napapahamak dahil sa mapanlinlang na katuruan,” aniya.

“Our goal is for balik-Islam to be represented in the commission to ensure that their welfare and needs are being heard and addressed,” dagdag niya.

Kadalasan, ang mga balik-Islam ay mga overseas Filipino workers, ayon sa mambabatas.

Sa pamamagitan ng panukalang batas ni Padilla, magkakaroon ng representasyon ang mga balik-Islam sa NCMF, para tulungan silang mag-adjust sa pamumuhay base sa katuruan ng kanilang pananampalataya.

Ayon sa kasalukuyang NCMF law – Republic Act 9997, na ipinasa noong 2009 – may siyam na full-time members ang NCMF na Muslim Filipino. Kabilang dito ang tig-isang commissioner mula sa kababaihan, kabataan at Ulama.

“Muli po, ang aking dasal ay ito ay inyong matingnan mapagaralan sapagka’t kadalasan ang nagagamit po ng terorista ay ang mga balik Islam. Kailangang kailangan po ito upang masigurado po natin na ang mga katuruan na dumadapo at napagaaralan ng mga balik Islam ay tunay na Islam,” ani Padilla.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -