NAGPAUNLAK si Sen, Risa Hontiveros para makapanayam sa grand opening ng Tandang Sora Women’s Museum sa Quezon City, nitong Pebrero 19. Narito ang transcript ng naturang panayam.
Q: Ma’am, you have mentioned earlier about how you empower women as an inspiration also as a leader, with this impeachment that is being done by the Congress now, papunta na po siya sa Senate. And you have earlier said also that you support the statement of Senator Koko Pimentel to siguro mas pabilisin yung impeachment proceedings.Now, ang nasasakdal po dito ay isang babaeng leader dito. What is your take on this?
SRH: Una po nais kong batiin at magpugay sa mga babaeng ginugunita natin ngayong gabi at ginawa ang lahat para mangyari itong pagpapasinaya ng Tandang Sora Women’s Museum. Unang-una na siyempre si Melchora Aquino o Tandang Sora at ang mga modernong Tandang Sora ngayon sa pamumuno ni Mayor Joy Belmonte ng Quezon City, kasama si Representative Marivic Co-Pilar.Dahil sila po ang moving spirit kasama ng artist at curator na si Sandra Torrijos para makita po natin at makapasok at makatingin at matuto tayo dito sa Tandang Sora Women’s Museum.Now, kaugnay dun sa tanong nyo sa impeachment, sinusuportahan ko ang panawagan ng aking minority leader, si Sen. Koko Pimentel, na may utos sa amin ang Konstitusyon na once na ma-itransmit sa amin ang anumang articles of impeachment laban sa sino mang public official, ay kami po’y mag-convene, buoin ang rules at ituloy na po ang proseso. So kung maganap na o mahinog na yung prosesong iyan, magiging isa ako sa Senator Judges.
So dapat mula pa ngayon hanggang sa sandaling iyon, manatili akong impartial. So regardless kung sino mang public official ang impeached, regardless kung babae siya o lalaki siya, sa tingin ko, sang-ayon kay Sen. Koko, may malinaw po kaming tungkulin.
SRH: I think yung kailangan mag-isip at mag-usap niyan in the first place ay yung buong oposisyon so ngayon nakatutok ako sa pangangampanya at pagtulong talaga kina Sen. Kiko Pangilinan at Sen. Bam Aquino para sa Senado at sa Akbayan para sa House of Representatives.
So pagkatapos nitong midterm elections, saka pa lamang siguro makapag-uusap ang buong oposisyon para sa paghahanda namin para sa 2028.
Q: Pero do you consider running as a president?
SRH: I can’t consider it alone na hindi kasama yung lahat ng mga kasama sa oposisyon. Yan ay bagay din na kailangan i-consider ng lahat ng mga grupo at individual. So sa tamang panahon, yun po ay pagkatapos ng midterm elections.
Q: Ma’am, last na sa akin, gaano po ba ka-importante na maumpisahan na agad ang proseso ng impeachment? Dahil po ba it involves public funds and also kailangan maging transparent and accountable?
SRH: Well, kaya importante ang anumang tungkulin ng Senado, whether ito ay pagsasabatas o imbestigasyon sa mga resolusyon o pagpasa sa taunang budget o kahit ang isang tungkulin tulad ng impeachment, dahil itong lahat ay nakapaloob po sa Konstitusyon.
At lahat ay imbued dun sa mga importanteng prinsipyo na public office is a public trust at kaming lahat na nagtatrabaho sa gobyerno ay dapat maging accountable sa inyo, sa mga mamamayan. Ulat mula sa Senate of the Philippines