27.9 C
Manila
Linggo, Abril 27, 2025

Workshop sa Ortograpiya ng mga Wika ng Rehiyon 9

- Advertisement -
- Advertisement -

NAGSAGAWA ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), Translators Association of the Philippines Inc. (TAP), at Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon 9 (DepEd R9) ng workshop sa pagbuo ng ortograpiya ng anim na grupo sa Rehiyon 9: Sama Bangingi, Northern Subanen, Central Subanen, Western Subanon, Southern Subanen[1], at G̓insalug̓ën Subanën. Dinaluhan ang workshop na ito ng mga guro sa siyam na Dibisyon ng DepEd R9, at mga elder mula sa bawat grupo.

Bahagi ang workshop na ito ng patuluyang programa ng KWF sa pagbuo ng ortograpiya o gabay sa pagsulat ng mga wika ng Pilipinas. Inaasahang makatutulong ang mabubuong ortograpiya sa pagpapaunlad ng mga wika sa Pilipinas lalo na at isa ito sa mahahalagang kahingian bago magamit ang isang katutubong wika bílang midyum sa pagtuturo sa mga paaralan.

Nagsimula ang workshop noong Pebrero 16, 2025 at nagtapos noong Pebrero 21, 2025.  Ginaganap ito sa Hotel Guillermo, Lungsod Pagadian.

[1] Ang mga pangalang Northern Subanen, Central Subanen, Western Subanon, Southern Subanen ay tentatibo lámang, at isa sa mga inaasahang pag-uusapan sa workshop na ito.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -