ANO ang microfinance? Ano ang naitulong nito sa ekonomiya? Nakabawi na ba ang mga microfinance borrowers sa mga sunud-sunod na challenges na hinarap nila noong pandemic?
Ang microfinance ay isang programang inilunsad noong 1993 para bawasan ang poverty incidence ng bansa. Kapag nabibigyan ng pautang ang mga small entrepreneurs, nabibigyan sila ng pagkakataon para umahon sa kawalang-trabaho at kahirapan. Ngunit bago maging successful ang programa, kailangan ding matutunan ng mga borrowers ang mga panuntunan at practices para maging sustainable at lumago ang kanilang negosyo. Ito ang dahilan kung bakit sabay sa paglunsad ng programa, pinalawak ang program ng ilang government institutions na nagbibigay ng training para sa mga small entrepreneurs. Isa sa mga ito ang Technical Education and Skills Development Authority (Tesda) na siyang nagbibigay ng mga kurso para magkaroon ng mga livelihood skills ang mga aspiring entrepreneurs. Ang mga government financial institutions (GFIs) ay nagpalawak ng lending facilities para sa mga small entrepreneurs. Ito ay ang Land Bank of the Philippines (LBP), Development Bank of the Philippines (DBP) at Small Business Corporation (SBC). Ang Philguarantee ay inatasan ding palawakin ang kanilang guarantee facilities para ang mga kulang ang collateral ay maaaring matulungan para makautang sila nang sapat para sa paglago ng kanilang negosyo.
Para makisali ang private sector sa programang ito, ginamit ng mga GFIs ang network ng mga pribadong microfinance providers para mapalawak ang kanilang outreach. Nag-focus sila sa wholesale lending para palaguin ang lending programs ng mga private sector providers na siyang pupunta sa iba’t ibang sulok ng bansa para maghanap ng mga small entrepreneurs na pauutangin.
Ang mga regulatory institutions gaya ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), Securities and Exchange Commission (SEC) at Cooperative Development Authority (CDA) ay inatasan din na tumulong sa pagsulong ng programang ito. Inayos nila ang kanilang regulations para mas mapadali para sa mga small entrepreneurs ang mag-access sa mga bangko at mapabilis at maging safe at secure ang bayaran at paglipat ng pera sa financial system. Binawasan ang red tape at mga signatures na kailangan bago mabigyan ng authority to operate. Inayos ang kanilang mga sistema para mas madaling mag-apply para sa mga lisensiya na mag-negosyo.
Sa gana ng BSP, nagpatupad ito ng enabling policy at regulatory environment para makapagpaluwag ng financial inclusion. Nag-isyu ang BSP ng Circular 649 noong Marso 9, 2009 na nagsaad ng pagtatayo ng electric money issuers (EMI) sa Pilipinas at paano mag-isyu ng electronic money (e-money). Nagpatupad din ng Circular 992 noong 1 Pebrero para payagan ang mga bangko na mag-offer ng basic deposit accounts (BDA) para gamitin ng mga account holder na magtamasa ng iba’t ibang uri ng financial services gaya ng savings, pautang, insurance, investments at remittance.
Nagpatupad din ng BSP ng Circular 940 noong Enero 20, 2017 na nag-aatas sa mga bangko na magsilbi sa kanilang mga kliente sa pamamagitan ng cash agents na maaaring tumanggap at mag-disburse ng cash sa ngalan ng bangko. Maari ring gawin ng cash agent ang mga Know Your Client (KYC) procedures na requirement ng BSP sa mga bangko. Maaari ring mangolekta at magpadala ang mga cash agents ng mga dokumento para magbukas ng bank account. Maaari rin silang magbenta ng insurance at mangolekta ng premiums para sa mga insurance companies kapag nabigyan ng kapangyarihan ng Insurance Commission. Ang mga cash agents ay mga negosyo na maraming outlets na may regular na negosyo sa iba’t ibang lokasyon sa Pilipinas gaya ng convenience stores, parmasiya at iba pang mga retail outlets. Nagpatupaddin ng BSP ng Circular 980 noong Nobyembre 6, 2017 na nagtayo ng ligtas, efficient, mapagkatiwalaan at interoperable na sistema ng pambansang retail payment system (National Retail Payments System) para sa mga bangko. Sa sistemang ito nainlusad ang Pesonet at Instapay. Noong 2015, itinatag at pinalawak ng BSP ang National Strategy on Financial Inclusion (NSFI) na dating itinayo ng DOF noong 1993 pagkatapos ng Economic at Social Caqucus ni dating Pangulo Fidel V. Ramos. Isinaad sa NSFI ang mga prinsipyo ng pagpalawak at pagpalago ng financial inclusion kasabay ng pag-host noong 2015 ng Pilipinas sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC), isang samahan ng mga 20 bansa na nag-adopt ng mga measures para mapalago ang mga ekonomiya ng mga miyembro. Itinayo rin ng BSP ang Financial Inclusion Steering Committee na kasama ang mga iba’t ibang kawanihan ng pamahalaan para isulong ang financial inclusion. Lahat ng ahensiya ay binigyan ng role sa proseso ng pagsulong ng financial inclusion.
Noong Nobyembre 3, 2015, sinimulang ipinatupad ng SEC ang Republic Act No. 10693, ang tinatawag na Microfinance Nongovernment Organizations (NGOs) Act. Balak ng batas na ito na palakasin ang mga microfinance NGOs para suportahan ang programa ng pautang sa mga basic sectors, o ang mga maliliit na negosyong itinayo ng mahihirap at low-income individuals. Isinaad ng batas ang mga prinsipyo para mag-operate sila nang matatag, malawak ang coverage at nakatutulong sa maliiit na negosyo at naaayon sa financial, social at governance performance standards para maging sustainable ang industriya. Ang mga microfinance NGOs ay inatasang mag-provide ng microfinance services para sa microsavings, at microcredit para sa agrikultura, pabahay, microinsurance, electronic payment system, money transfer and remittance services. Inatasan din silang mag-conduct ng financial literacy programs sa buong bansa.
Ang CDA naman ay naglunsad ng mga programa para tulungan ang mga kooperatiba para imaneho ang kanilang negosyo sa pagpapautang. Una, nag-develop sila ng standardized chart of accounts para mapahusay ng paglilibro at monitoring ng kanilang financial operations. Ikalawa, nagtalaga sila ng performance indicators na tinawag nilang COOP-PESOS na kapareho ng PEARLS monitoring system ng World Council of Credit Unions para masukat ang katatagan, viability, efficiency at paglago ng lawak ng clientele nila at makumpara nila ang kanilang sarili sa kapwa nilang kooperatiba. Ikatlo, nag-conduct sila ng literacy campaigns para sa mga kooperatiba para mapahusay nila ang kanilang operational management at matutunan nila ang mga prinsipyo ng pagmamaneho na magpapalago sa kanilang negosyo.
Para lalong mapalakas ang negosyo ng pagpapautang, noong 2018, ipinasa sa Kongreso ang Republic Act No, 11057 na nagtalaga ng Personal Property Security Act na mag-facilitate ng access sa pautang sa pamamagitan ng paggamit ng movable assets bilang collateral; mag-improve ng transparency, predictability at enforceability ng secured transactions; at magpa-modernize ng legal framework ng secured transactions ayon sa international standards. Itinayo ang computerized movable collateral registry sa Land Registration Authority (LRA) dahil mayroon na silang computerized na land registry. Dahil sa batas na ito, nagkaroon ng proteksyon ng mga borrowers na gumagamit ng kanilang movable assets bilang collateral, at ang mga bangkong nagpapautang at tumatanggap ng mga innovative forms ng collateral. Nagkaroon ng kumpiansa ang umuutang at nagpapautang para makapagtayo ng viable business relationship.
Dahil sa mga repormang ito, naitaguyod ang mas vibrant na paglago ng mga maliliit na negosyo na nage-employ ng 1 hanggang siyam katao at may assets na di lalampas ng P3 milyon. Kahit nabalam ang paglago nila noong panahon ng pandemya, dumami ang micro businesses ng 24.6% mula 896.84 libo noong 2015 sa 1,117.59 libo noong 2023. Lumago ang microfinance outlets ng 30.1% mula 7,446 noong 2015 sa 9,543 noong 2023. Karamihan dito ay mga kooperatiba na lumago ng 30.9% mula 7,247 sa 9,484. Lumago rin ang bilang ng microfinance borrowers ng 167.6% mula sa 6.8 milyon sa 18.3 milyon. Lumago ang microfinance loans ng 114.8%, mula P179 bilyon sa P384 bilyon. (Table 1)
Malaki ang naitulong ng microfinance sa pagbawas ng poverty incidence, paglikha ng employment opportunities, paglago ng ekonomiya, at pag-improve ng distribution of income.
Table 1. MICROFINANCE LOANS | ||||||||||||
Microfinance- oriented | Microfinance NGOs | Cooperatives | ||||||||||
TOTAL | Banks | providing financial | ||||||||||
Growth | Growth | Growth | services | Growth | ||||||||
2015 | 2023 | Rate (%) | 2015 | 2023 | Rate (%) | 2015 | 2023/2024 | Rate (%) | 2015 | 2023 | Rate (%) | |
Number of access points | 7,446 | 9,643 | 30.1% | 176 | 181 | 2.8% | 23 | 24 | 4.3% | 7,247 | 9,484 | 30.9% |
Number of borrowers (Millions) | 6.8 | 18.3 | 167.6% | 1.2 | 2 | 62.6% | 3.1 | 6.6 | 109.6% | 2.5 | 9.7 | 294.5% |
Loans (P billion) | 179 | 384 | 114.8% | 11.4 | 32 | 180.7% | 19.9 | 68 | 241.7% | 147.5 | 284.0 | 92.5% |
Sources: Bangko Sentral ng Pilipinas | ||||||||||||
Cooperatives Development Authority | ||||||||||||
Microfinance Council of the Philippines |