30.3 C
Manila
Sabado, Mayo 3, 2025

Mensahe ni VP Sara para sa Araw ng mga Mangagawa

- Advertisement -
- Advertisement -
NAGBIGAY si VP Sara Duterte ng kanyang mensahe para sa Araw ng mga Mangagawa ngayong Mayo 1, 2025.
Assalamu Alaykum Warahmatullahi Wabarakatuh!
Madayaw ug maayong adlaw kaninyong tanan.
Magandang araw sa inyong lahat.
Binabati ko ang ating mga kababayan ng isang makabuluhang Araw ng mga Manggagawa!
Ngayong araw na ito, tayo ay nagbibigay-pugay sa lahat ng manggagawang Pilipino na patuloy na nagsusumikap para sa ikauunlad ng kani-kanilang buhay, pamilya, at komunidad.
Ako ay sumasaludo sa inyong katatagan, talino, at kasipagan na inyong ipinapakita sa inyong kani-kaniyang sektor, sa loob man o sa labas ng bansa.
Ating ipagdiwang ang tagumpay ng bawat Overseas Filipino Worker, medical at security frontliner, community worker, guro, at lahat ng nagtatrabaho sa pampubliko at pribadong sektor ng lipunan.
Anumang hamon ang ating kinakaharap sa kasalukuyan, nawa’y manatili tayong matatag, matiyaga, at mapagpursige sa ating nagkakaisang hangarin para sa tunay na kaunlaran at makabuluhang pagbabago sa ating bansa.
Isang mapagpalang pagdiriwang ng Araw ng Manggagawa!
Ang lahat ng ginagawa natin ay para sa Diyos, sa Bayan, at sa bawat Pamilyang Pilipino.
Shukran.
SARA Z. DUTERTE
Vice President of the Philippines
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -