BINABATI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng isang makabuluhan at mapayapang pagdiriwang ang lahat ngayong Araw ng Paggawa.

Sa kanyang mensahe, kinikilala niya ang sakripisyo at mahalagang papel ng mga Pilipinong manggagawa. Tinitiyak din ng Pangulo na patuloy ang mga proyektong magsusulong sa paglago at kasaganahan ng mga manggagawa—hindi lang bilang tungkulin, kung hindi bilang pasasalamat at pagkilala sa kanilang halaga at sakripisyo.


“Matugunan ang mga pangangailangan ng bawat pamilya, matiyak ang kaligtasan sa lugar ng trabaho, at mapangalagaan ang karapatang makamit ang magandang kinabukasan,” ito ang mensahe ni Pangulong Marcos Jr. para sa mga manggagawang Pilipino sa pagdiriwang ng ika-123 Araw ng Paggawa sa SMX Convention Center.
Binigyang-diin ni PBBM ang suporta ng gobyerno sa pamamagitan ng job fairs, libreng serbisyong medikal, skills training, at direktang tulong pinansyal.

Samantala, ngayong pagdiriwang ng ika-123 na taon ng Araw ng Paggawa, pinagtitibay ng Presidential Communications Office ang layuning suportahan ang mga hakbang ng PBBM administration para isulong ang karapatan ng bawat manggagawa at tiyaking napahahalagahan ang kanilang mga kontribusyon.
Kaisa ang PCO sa paninidigang ang manggagawang Pilipino ang kaagapay ng pamahalaan sa pag-unlad, at sandigan ng mas matatag na Bagong Pilipinas.
Kaisa ang PCO sa paninidigang ang manggagawang Pilipino ang kaagapay ng pamahalaan sa pag-unlad, at sandigan ng mas matatag na Bagong Pilipinas.