27.9 C
Manila
Lunes, Mayo 12, 2025

Meron bang pangalawang pagpapabagsak ng Marcos

ULTIMONG BIGWAS

- Advertisement -
- Advertisement -

Ikalawang bahagi

NAPIPILITAN tayong pangalawahan pa ang paksang ito na unang natalakay sa nakaraang kolum.

Napakamapanlinlang ng mga panahon.

Ang lumalabas na pagkahumaling ng bayan sa eleksyon ay maaaring normal para sa isang bansa na  nagpapahalaga sa boto bilang nag-iisang paraan ng sambayanan upang panghawakan ang kapangyarihan ng pamahalaan.

Subalit lunod sa inaasahang ingay ng kampanyang elektoral ay ang nagpipilit na alingawngaw ng makasariling hugot mula sa isang panig ng pagkakahating pulitikal.


Partikular sa labanang senatorial, samantalang ang mga kandidato ng Alyansa ng Bagong Pilipinas ng administrasyon ay nakapako sa kani-kanilang mga adbokasiyang sosyal at pulitikal, ang kanilang mga katunggali ay palakasang kilala bilang “kampo ni Duterte.”

Di maiiwasang bunga ito ng sobrang pagpapatampok ng pagkaaresto at pagsalin sa kustodiya ng International Criminal Court (ICC) kay dating Pangulo Rodrigo Roa Duterte. Kung anuman ang isyu sa bagay na ito ay usaping ligalidad. Kalabisan na patampukin ito bilang pagyurak sa demokratikong pundasyon ng bansa.

Una pa muna, ang nangyari ay dumampot si Duterte ng bato at ipinukpok sa sarili niyang ulo. Sa mga pagdinig ng kongreso, walang pasubali na  inamin ni Duterte na inutusan niya ang mga pulis na ganyakin ang mga adik at pusher na bumunot ng baril upang magkaroon ng dahilan ang mga pulis na patayin sila. Animo’y isa siyang may kapangyarihan na pumatay na walang pananagutan, sa mga nag-iimbistiga ng mga senador at kongresman, hindi lang miminsan, ni dalawang beses subalit paulit-ulit pa, “Ganap kong inaako ang pananagutang ligal at moral sa ginawa ng pulis.”

Anong kaipukrituhan na iiyak siyang parang aping-api ngayong bumagsak siya sa kamay ng batas.

- Advertisement -

Ang buong angkan ng mga Duterte ay nag-iingay sa pagkakulong kay Duterte sa Hague. Una na rito, syempre pa, si Bise Presidente Sara na malinaw sa pagsisikap na pagpanibaguhing-bihis ang dating palamurang presidente upang magmukhang matapang at maginoong bayani ng masa. Samantalang sa mga pagdinig ng kongreso ay umasta siyang hambog na nagwikang sisipain niya ang ICC kung siya ay aarestuhin nito, oras na nasa harap na siya ng mga huwes ng ICC, astang maamong tupa na siya, buong galang na animo’y padasal na binabaybay ang pangalan nang hilingang ipakilala ang sarili.”

Naobserbahan ko iyun na katangian ng mga kriminal. Magpapakumbaba kapag nasukol subalit biglang banat oras na nagkaroon ng pagkakataon.

Sa bisperas ng eleksyon, naisip ko ang pag-ulit na ito sa paksa ni Duterte. Hindi mawala sa isip ko na taya buhay-at-kamatayan ang laban na kinakaharap ni Bise Presidente Sara. Batay sa pinakahuling survey, maswerte nang pumasok sa Magic 12 ang tatlo sa Kampo ni Duterte. Ang eleksyon ay, kumbaga, magpapahaba lamang sa pisi ng administrasyon na ipupulupot sa kanyang leeg oras na nagbukas na ang impeachment trial ng senado sa pagsisimula ng Ika-20 Kongreso.

Kailangan ni Sara ang iligtas ang sarili. Maliwanag na hindi niya iyon magagawa sa impeachment trial. Ang tanging paraan na nalalabi sa kanya ay ang kumilos sa interim, ibig sabihin sa pagitan ng eleksyon na hindi na mapipigil at ng bilangan ng resulta ng eleksyon at proklamasyon ng mga mananalong senador.

Ang pinakamagaling na maaaring gawin ni Sara upang iligtas ang leeg ay ang lumikha ng kaguluhan na magpapatalsik kay Pangulo Ferdinand R. Marcos Jr. bago pa mapagtibay ang pagiging ligal ng eleksyon na gaganapin sa araw na ito.

Sabi ko sa kolum ko sa The Manila Times na lalabas pa lang:

- Advertisement -

“The best option for Sara would have been to create  chaos that would result in the unseating of President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Such a chaos was what the National Rally for Peace conducted by the Iglesia Ni Cristo (INC) on January 13, 2025 forbade. Evidently political savvy saved the day for the administration. No upheavals took place and Sara’s impeachment was eventually accomplished by the House of Representatives in the last hour of the 19th Congress. That sort of turned out to be a reprieve for Sara. Senate President Chiz Escudero opted to take up the impeachment trial in the next congress.

“So, if there is anything left for Sara to escape the impeachment gauntlet, it has to be in the interim. Meaning while the new set of senators have not yet been proclaimed and sworn to office. It is within this space that anything goes.

“In the 1986 snap presidential elections, President Ferdinand E. Marcos was proclaimed winner over Corazon C. Aquino by the Batasang Pambansa, the sole agency mandated by the constitution to count the votes. But evidently working along the scheme crafted by the United States, the National Movement for Free Election (NAMFREL) undertook its own count in the meantime, lavishly covered by international media, while the American Pacific Fleet stood by on alert at Manila Bay.  Then all of sudden, as by the compass of an orchestra conductor, the NAMFREL canvassers, ladies all, walked out in unison, denouncing cheating in the counting. That is why it came to pass that while throngs were cheering President Marcos  in Malacanang Palace for his election victory, multitudes were beginning to gather for the People Power Revolt on EDSA – negating in one fell swoop the true voice of the people.

“To save her neck, it is the likes of the Cory-US scheme in the snap polls that Sara must resort to. It is a gambit that for all its massiveness, the INC National Rally for Peace at the beginning of the year could not yet accomplish; neither could the subsequent series of mass actions by the Dutertes nationwide called Maisug. You need an impetus, a “spark to start a prairie fire.” That’s why there have to be elections first, in which the winning administration candidates would be projected cheats.

“And then the rising.

“In an interview, Sara quite candidly declared, “I can play dirty.”

Gaano karuming laro ang kayang gawin ni Sara?

Kasing-dumi ng pagkontrol sa mga kaparaanan ng Commission on Election marahil.

Natatandaan nyo nang ibaba ni Pangulo Marcos ang bigas sa P20 kada kilo? Ang lakas ng impact. Subalit makaraan ang isang araw ng pagpapatupad ng pagbaba, iniutos ng Comelec na itigil ito at ituloy na lamang pagkaraan ng eleksyon.

Maliwanag, kanino pabor ang desisyon na iyon ng Comelec? Sa Kampo ng Duterte. Noon ko nasimulan na magtanong kung para kanino si Comelec Chairman George Erwin Garcia. Para kay Bongbong ba o kay Digong?

Sa kakapusan ng datos, puro tanong lang ang kaya nating gawin.

Subalit sa pagsapit ng bisperas ng eleksyon, at least dalawang balita ang nasumpungan natin. Ang isa, sa Tiktok na nagbubunyag ng pagkatuklas ng malaking bahagi ng mga balota na hindi audited at sa gayon ay, ayon sa tagapagbalita, maaaring pagmulan ng mga katiwalian na magbubunga ng malaking duda sa integridad ng halalan. Kasabay ng balita sa TikTok ay ang balita naman sa The Manila Times na maraming bansa ang kinumbida ng Comelec upang magmasid sa halalan.

Dito naglaro na nang husto sa isip ko kung gaano karumi ang larong kayang gawin ni Sara. Sa kasaysayan ng Pilipinas, iisa ang pagkakataon na kinailagan ang international observers, ang snap presidential elections ng 1986.

Nabanggit na sa itaas kung papaanong sa eleksyon na iyun binastardo ang prosesong konstitusyunal upang papanaigin ang imbing pansariling interes.

Papayag ba si Presidente Marcos Jr. na tahakin niya rin ang daan na kinalugmukan ng kanyang ama?

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -