34.5 C
Manila
Lunes, Mayo 19, 2025

Sino ang nandaya? Sino ang humiyaw ng ‘We won’

ULTIMONG BIGWAS

- Advertisement -
- Advertisement -
SALAMAT kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pinabayaan niyang ang proseso ng Comelec ang manaig sa nakaraang midterm elections. Isipin kung anong kaguluhan ang maaaring naganap kung pinakialaman niyang iwasto ang mga anomalya na inireklamo ng iba’t-ibang sektor kaugnay ng halalan.
Unahin na ang mga pag-aalala ni Atty. Harold Respicio, tumakbong vice mayor sa Isabela na nagsiwalat sa mga katiwalian na maaaring gawin ng Comelec kung ang mga Automated Counting Machine (ACM) nito ay konektado sa internet sa panahon ng pagboto ng mga botante hanggang sa pagbilang ng mga boto. Ayon kay Respicio, ang sinumang masamang elemento ay maaaring i-hack ang laman ng ACM upang baguhin ang mga laman nito, halimbawa pangalan ng kandidato at kung gaano karami ang tinanggap na boto. Ang mga binagong mga bilang at pangalan ang siya ngayong matatala sa mga botong ililipat sa mga server tulad ng PPCRV, Namfrel, at sa Comelec mismo.
Panukala ng abogado, i-disconnect ang ACM sa internet habang nagbobotahan pa hanggang sa mabilang na ang mga boto. Sa ganitong paraan lamang maaaring mapigilan ang mga hacker na bastarduhin ang kasagraduhan ng boto.
“Walang mawawala sa mga botante, walang mawawala sa Comelec. Subalit bakit hindi ginawa? Upang mangyari ang dapat na maganap?” wika ni Respicio.
Sa mga paglalantad na kanyang ginawa, nalagay sa pag-aalinlangan ang integridad ng nakaraang ekeksyon, na siyang ginawang dahilan upang ipagsumbong siya ng libel ng Comelec at hilinging i-disqualify sa kanyang kandidatura sampu ng disbarment at pagkansela ng kanyang lisensya bilang CPA.
Na hindi malayo sa katotohanan ang mga pagbubulgar ni Respicio ay ipinahihiwatig ng mga tunay na kaganapan.
Ayon sa Namfrel, umabot sa 16 milyong boto ang idineklarang invalid
dahilan sa pagiging mga “overvotes” o mga sumubrang boto.
Ayon naman sa PPCRV, di mabilang ang mga pangyayari na ang mga datos sa tala ng eleksyon ay di magkakatugma.
At inamin nga ng Comelec na milyun ang bilang ng mga pagtatangka na i-hack ang ACM subalit lahat ay nabigo.
Ganon?
Ano itong ibinulgar naman ni Glen Chong na mga ebidensya ng pandaraya sa maraming lugar sa Kabisayaan at Mindanao?
Hamon ng kilala ring tagapagtaguyod ng malinis na halalan, harapin ni Comelec Chairman George Garcia ang mga katiwaliang ito. Subalit hanggang sa ngayon, wala tayong narinig na anumang kasagutang mula kay Garcia hinggil sa maraming reklamong nabanggit.
Mabuti kay Presidente Marcos Jr., wala ni isa sa mga nabanggit na reklamo ang naiparating sa kanyang kaalaman sa paraang humihingi ng kanyang pagpapasya. Kung nangyari iyun, tunay na maiipit ang pangulo.
Sa ilalim ng konstitusyon, tanging ang Comelec ang may kapangyarihang magpasya sa mga usaping may kinaalaman sa eleksyon.
Ultimong paggamit sa sandatahang lakas ng bansa, hangga’t usapin sa eleksyon ang nasasangkot, Comelec pa rin ang masusunod.
Kung kaya bagama’t sa ilalim ng prinsipyo ng chain of command, ang pangulo ang pinakamataas na pinuno ng sandatahang lakas, hangga’t eleksyon ang pinag-uusapan, si George Erwin Garcia ang pinakamakapangyarihan.
Kung nagkataon na ang mga alegasyon ng pandaraya ay naging napakaingay at wala nang magawa ang pangulo kundi ang makialam, magiging kalunos-lunos na ang buong puwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sampo ng Philippine National Police ay magagamit ni Comelec Chairman Garcia upang pipilan mismong ang presidente.
O, alam ito ni Bongbong?
Kaya ganun na lang siya katahimik sa harap ng malinaw na pagkadehado ng mga kandidato ng Alyansa Para Sa Bagong Pilipinas na sa panahon ng kampanya ay personal niyang itinaguyod.
Sa buong panahon ng kampanya, lamang na lamang ang Alyansa; sa mga survey, marami na ang dalawa na maaaring mailusot ng kampo ni Duterte.
Kung bakit pagdating na ng bilangan, pasok sa Magic 12 ang lima sa mga litaw na manok Duterte. Kapantay na lamang nito ang natirang lima rin ng Alyansa na isa pa nito ay maaaring asahang bumoto ng abswelto sa impeachment trial ni Sara.
Sa bilangan na ng boto sa impeachment trial ni Sara, lalabas na isang napakatarik na bundok  ang aakyatin ng administrasyon. Hindi ba makatwiran lamang para kay Bongbong na tiyaking malinis ang eleksyon ng mga panibagong senador?
Sa ganung paraan matitiyak ang pananagumpay ng Alyansa.
Pero hindi. Naglitawan ang patunay ng mga katiwalian sa bilangan. Na hinding-hindi si Bongbong ang gagawa.
Bakit niya hahayaang dungisan ang eleksyon na ipinakikita ng mga survey ay pagwawagian ng kanyang Alyansa?
Pwera na lamang kung ang mga inirereklamong pandaraya na tinukoy sa itaas ay sa katunayan hindi gawa ng administrasyon.
Sa katunayan, sa usaping ito dapat maalarma ang sambayanan. Pinatutunayan ng mga ebidensya na may malakihang pandarayang naganap sa nakaraang eleksyon, at ang ngayon ay lumulundag sa tuwa at naghuhumiyaw ng “We won!” ay ang Kampo Duterte.
Sino ang nandaya?
Sa tanong na ito nagkamali ang mga nag-aakusa sa administrasyon ng pandaraya.  Hindi ang pamahalaang Bongbong ang nandaya kundi Comelec.
Ang talagang tanong: Para kanino ginawa ang pandaraya?
Para kanino pa kundi doon sa sumigaw ng “We won!”
Pasok ngayon si senator-elect Panfilo Lacson sa kanyang proclamation speech. Wika niya, sa buong panahon ng kampanya wala siyang ginawa kundi magtalumpati. Ngayong nananalo na siya, speech pa rin. Subalit wika niya, ibig niyang ibigay ang hilig ni Chairman George Erwin Garcia. Kaya speech pa rin siya, at sa dulo ng talumpati ay ang ultimong panunuya:
“Congratulations for a job well done.”
Kulang na lang na sabihing “Natikman ko rin yun.”
- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -