31.1 C
Manila
Miyerkules, Mayo 28, 2025

Mga hadlang sa Universal Health Care sa Pilipinas, tinukoy sa pag-aaral ng Ateneo 

- Advertisement -
- Advertisement -

BAGAMA’T kilala ang Pilipinas bilang isa sa mga nangungunang exporter ng manggagawang pangkalusugan sa buong mundo, patuloy itong nakararanas ng matinding kakulangan sa mga nars at doktor. Marami sa mga nagtapos ng kursong pangkalusugan sa bansa ay hindi handa para sa mga aktuwal na gawain sa pampublikong kalusugan. Nahihirapan ang mga pangunahing pasilidad pangkalusugan at mga ospital ng pamahalaan na kumuha ng sapat na tauhan dahil sa mga balakid sa badyet at polisiya, samantalang pinoproblema naman ng mga pribadong ospital kung paano mapanatili ang kanilang mga tauhan dahil sa mga hamon sa pananalapi.

Hindi lamang ang Pilipinas ay may mas kaunti sa walong doktor sa bawat 10,000 katao at kakulangan ng hindi bababa sa 127,000 nars, ngunit marami rin sa mga nagtapos sa kalusugan nito ay kulang sa pagsasanay para sa pampublikong gawaing pangkalusugan, ayon sa mga mananaliksik ng Ateneo de Manila University. (Larawan kuha ni Aaron R. Vicencio, ADMU)

Iilan lamang ang mga ito sa mga pangunahing hadlang sa pagpapatupad ng Universal Health Coverage (UHC) sa bansa, ayon sa pagsasaliksik ng Ateneo de Manila University na inilathala kamakailan lamang sa international journal na Human Resources for Health.

Natuklasan sa pag-aaral na hindi sapat ang paghahanda ng maraming Pilipinong doktor at nars para sa UHC dahil nakatuon ang kanilang edukasyon sa loob ng ospital at kulang ang kanilang pagsasanay sa pampublikong kalusugan at communal health. Madalas na tinatanggap sa trabaho ang mga gradweyt na walang sapat na pag-unawa sa mga prinsipyo ng UHC, at kakaunti lamang ang mga onboarding program para punan ang agwat na ito. Maliban dito, maraming manggagawang pangkalusugan na nagiibang-bansa na lamang para umiwas sa mababang sahod, kawalan ng seguridad sa trabaho, at limitadong career growth sa Pilipinas. Ang pinagsamang mga isyung ito sa edukasyon at kompensasyon ay malaking balakid sa implementasyon ng UHC, ayon sa pag-aaral.

At kahit piliin pa ng mga manggagawang pangkalusugan na manatili sa bansa, nahihirapan pa rin sila dahil sa mga mahihigpit na patakaran sa pagkuha ng empleyado ng pamahalaan.

Mga balakid sa UHC Law

Ang paglagda sa Republic Act No. 11223, o Philippine Universal Health Care Act, noong Pebrero 2019 ay isang makasaysayang hakbang para matiyak na lahat ng Pilipino—anuman ang kita o lokasyon—ay may akses sa de-kalidad at abot-kayang serbisyong pangkalusugan nang hindi nahihirapan sa gastusin. Awtomatikong nakarehistro ang lahat ng mamamayan sa National Health Insurance Program at pinalalawak ang papel ng mga local government unit (LGU) sa pamamahala ng serbisyong pangkalusugan. Nagsimula ang implementasyon ng batas bago mag-pandemya.

Gayunman, sa kabila ng pagpasa ng batas, nakita ng mga mananaliksik na nahahadlangan ang implementasyon nito ng mga problema sa dami at kakayahan ng mga manggagawa, at mga isyu ng koordinasyon sa pambansa at lokal na pamahalaan.

Batay sa pag-aaral, kulang sa walong doktor ang mayroon para sa bawat 10,000 mamamayang Pilipino—mababa sa internasyonal na pamantayang 10 bawat 10 000. Dagdag pa rito, nahaharap ang bansa sa kakulangan ng hindi bababa sa 127 000 nars, na karamihan ay nasa pribadong sektor. Pinalalala pa ito ng “brain drain,” kung saan umaalis ang maraming manggagawang pangkalusugan upang makahanap ng mas mataas na sahod at mas maayos na trabaho sa ibang bansa. At dahil kadalasang hindi kasama sa kasalukuyang edukasyon sa medisina at kalusugan ang usaping pangkomunidad at mga prinsipyo ng UHC, kulang sa paghahanda ang mga bagong gradweyt para i-deploy sa mga lugar na kulang sa serbisyo.

Mga rekomendasyon para sa pagkuha at pagpapanatili ng mga manggagawang pangkalusugan

Upang tugunan ang mga hamong ito, inirerekomenda ng mga mananaliksik ang mga sumusunod:

  1. Mas mahigpit na ugnayansa pagitan ng mga institusyong akademiko at mga pasilidad pangkalusugan upang matiyak ang placement ng mga gradweyt na may return-service agreement at mabawasan ang kakulangan sa mga pasilidad.
  2. Pagbibigay ng insentibosa edukasyon para sa mga umaasa (dependents) at postgraduate training para sa mga manggagawang pangkalusugan na may return-service agreement.
  3. Mas patas na pamamahaging mga pagkakataon sa espesyalisadong pagsasanay para sa mga doktor.
  4. Pagsusuri mulisa kurikulum ng medisina at mga kursong pangkalusugan.
  5. Repormasa mas mataas na edukasyon at civil service.
  6. Pagsusurisa ilang probisyon ng Local Government Code.
  7. Pagbuo ng pangmatagalang planong mga lokal na pamahalaan para sa pagre-recruit at pagpapanatili ng mga health worker.
  8. Pagsusurisa mga programang pagsasanay ng health workforce at sa kanilang mga gastusin.
  9. UHC trainingpara sa kasalukuyang workforce at sa mga bagong empleyado.
  10. Mas makatarungang bilateral labor agreementssa pagitan ng mga bansang pinanggagalingan at patutunguhan ng mga manggagawang pangkalusugan.

Layon ng mga rekomendasyong ito na mapagaan ang kakulangan sa manggagawang pangkalusugan at matiyak ang mas patas na sistemang pangkalusugan sa ilalim ng UHC Law. Higit pa rito, lumalabas sa pag-aaral ang isang nakababahalang larawan ng kasalukuyang kakayahan ng sistemang pangkalusugan ng Pilipinas sa konteksto ng UHC. Kailangan ang agaran at tuluy-tuloy na pamumuhunan sa lokal na lakas-panggawang pangkalusugan upang matiyak na ang unibersal na pangangalagang pangkalusugan sa Pilipinas ay hindi mananatiling isang hangarin lamang.

Mula sa mga mananaliksik ng Ateneo de Manila University

SOURCE:
https://archium.ateneo.edu/asmph-pubs/314/

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -