30.8 C
Manila
Biyernes, Mayo 30, 2025

 PCUP, BFAR at DTI naghatid ng pagsasanay para sa mangingisda ng Leyte

- Advertisement -
- Advertisement -

BILANG pakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Mangingisda, isinagawa ng Presidential Commission for the Urban Poor – Field Operations Division for Visayas (PCUP-FODV) ang isang dalawang-araw na pagsasanay para sa 27 maralitang mangingisda mula sa Brgy. Opong Fisherfolks and Vendors Association (BOFVA).

Pinangunahan ni Ritchel Radaza, PCUP Visayas Area coordinator ang aktibidad, sa pakikipagtulungan ng Department of Trade and Industry (DTI). Katuwang din sa aktibidad ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno gaya ng Municipal Local Government Unit (MLGU) ng Tolosa, Leyte, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), at ang Department of Social Welfare and Development – Sustainable Livelihood Program (DSWD-SLP).

Laman ng pagsasanay ang Proper Food Handling, Food Safety, Good Manufacturing Practices (GMP) at Fish Drying Procedures na tinalakay ni Leodelyn Conejos at Ronald Jimenez, kapwa resource persons mula sa BFAR. Samantala, ibinahagi naman ni Melissa Calamaya, kinatawan ng DTI, ang tungkol sa tamang costing at pricing sa mabubuong pangkabuhayan.

“Diri sa Visayas, tanan gyud among tabangan bisag unsa pa imong trabaho. Kanang paghatag gani ug… serbisyo dako na ug mahimo sa atong kinabuhi. Karong bulan sang mangingisda, aton silang tabangan nga makakuha ug dungag nga skills na ilahang magamit sa pang-adlaw-adlaw ug hanap-buhay.” Mensahe ni PCUP Chief of Operations for Visayas, Chloe Manlosa-Osano.

Buong-pusong nagpapaabot naman ng pasasalamat ang Komisyon, sa pangunguna ni PCUP Chairperson at CEO Meynard Sabili, sa lahat ng partnered agencies na walang sawang tumutulong sa layunin ng PCUP na itaas ang antas ng pamumuhay ng maralitang mangingisda.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -