MASAYANG ibinahagi ni Senator Imee Marcos ang mga larawan nila nina VP Sara Duterte at ng ina nito na si Elizabeth Zimmerman sa Qatar.
Pagbaballita niya sa kanyang Facebook page, “Ako po ay naimbitahan, kasama ng ating Bise Presidente Inday Sara Duterte dito sa Qatar para sa isang mahalagang pagsasama-sama ng ating mga kababayan. Napakasaya ko rin makasamang muli ang Nanay ni Inday, Mam Elizabeth Zimmerman.”