30.7 C
Manila
Linggo, Hunyo 1, 2025

VP Sara, Leni nangunguna sa pre-election presidential survey ng Tangere

- Advertisement -
- Advertisement -

TATLONG taon bago ang pampangulohang eleksyon, nagsagawa na ng survey ang isang research firm gamit ang mobile app nito kung saan lumalabas na nangunguna si Bise Presidente Sara Duterte at Leni Robredo.

Isinagawa ng Tangere ang Pre-Election Presidential Preferential Survey nito sa buong bansa nitong nakaraang Mayo 20-21.

Lumalabas dito  na sa 1,800 respondents nito mula sa iba’t ibang panig ng bansa, pinili ng 29 porsyento nito si Duterte para maging pangulo. Nanguna si Duterte sa Davao at Northern Mindanao.

Sinundan ito ni dating Bise Presidente Robredo na nakakuha ng 21 porsyento na nagmula karamihan sa Metro Manila at Bicol region.

Pumangatlo si Senador Christopher “Bong” Go na nakakuha ng 15 porsyento ng mga respondents.


Si Senador Raffy Tulfo na dating nanguna sa 2028 pre-election polls ang ika-apat sa 11 porsyentong suporta na karamihan ay nasa Southern Luzon.

Panglima si Speaker Martin Romualdez na nakakuha ng anim na porsyento na nagmula karamihan sa Eastern Visayas at Northern Luzon.

May 11 porsyento namang undecided pa sa mga respondents.

Sumunod kay Romualdez si Senador Chiz Escudero, Senador Robin Padilla na parehong nakakuha ng tatlong porsyento.

- Advertisement -

Tagasuporta ni Go hindi ni Duterte

Kilalang kaalyansa ng mga Duterte si Go kaya naman hindi maging kataka-takang nakuha ni Go ang suporta ng 60-70 porsyento ng Duterte supporters na napili syang second choice kung hindi si Sara lalaban.

Pero, lumalabas sa survey na hindi lahat ng nasuporta sa pagkapangulo ni Go si Duterte na ang pipiliin nila sakaling di tumakbo ang senador. Ayon sa survey, si Robredo ang pipiliin ng 45 porsyento ng backer ni Go at hindi si Duterte na nakakuha lamang ng 30 porsyento.

At kung hindi naman si Robredo tatakbo, si Go ang piniling second choice ng 52 porsyento ng tagasuporta ng dating bise-presidente..

Para  naman sa pagka=pangalawang pangulo, nanguna si Go na nakakuha ng 36 porsyento voter preference kung saan karamihan sa mga ito ay mula sa Visayas at Mindanao.

Pumangalawa sa pagka-bise si Bam Aquino na nakakuha ng 26 porsyento na karamihan sa mga pumabor ay mula sa Metro Mabila at Bicol region.

- Advertisement -

Medyo malayo naman ang agwat ni Senador Tulfo na nakakuha lamang ng 11 porsyento.

Pre-election senatorial survey

Samantala, nagkaroon din ng survey para sa mga tumatakbong senador ang Tangere kung saan pasok sa top 20 nito ang 12 bagong proklamang senator-elect ng bansa.

Ayon sa resulta ng survey ng Tangere na nagsagawa ng political survey nitong nakaraang Marso 11-14, 2025, nasa top 3 sina Senador Christopher “Bong” Go, Erwin Tulfo at ang kapatid nitong si Ben Tulfo.

Nasa ika-apat at ika-limang pwesto naman sina Bong Revilla at Vicente Sotto III at ang pupuno sa ika-anim hanggang ika-sampung pwesto sina Pia Cayetano, Benhur Abalos, Lito Lapid, Bato Dela Rosa, at Ping Lacson.

Nasa ika-11 hanggang ika-17 na pwesto naman sina Manny Pacquaio, Francis Tolentino, Abby Binay, Camille Villar at Bam Aquino.

Para kina Kiko Pangilinan, Willie Revillame, at Imee Marcos naman ang ika-12 hanggang ika-18 na pwesto.

At kina Rodante Marcoleta at Philip Salvador naman ang ika-19 at ika-20 pwesto, ayon sa Tangere.

Kumpara sa resulta ng Comelec

Base sa resulta ng Comelec, wala sa top 3 si Ben “Bitag” Tulfo. Ni hindi ito nakasama sa top 12.

Sa top 6-10 naman ng Comelec, wala rito ang pangalan ni Abalos.

Gayundin, hindi rin nakasama sa top 12 sina Pacquiao, Tolentino at Binay.

Sa halip, pumangalawa sa pinakamaraming boto si Aquino na nasa 11-17 pwesto ayon sa survey ng Tangere.

Pumangatlo si Dela Rosa sa bilangan ng Comelec, bagama’t sa survey, siya ay nasa ika-anim hanggang ika-sampu lamang.

Samantala, naging pang-apat naman si Erwin Tulfo na nasa top 3 ng survey.

Pang-lima, ayon sa resulta ng Comelec, si Pangilinan  na pang 12-18 sa survey.

Hindi pasok sa top 12 si Marcoleta ngunit nakamit nya ang ika-anim na pwesto.

Nasa ika-pitong si Tito Sotto sa Comelec samantalang pang-apat o pang-lima siya sa survey ng Tangere.

Tumugma naman na nasa ika-anim hanggang ika-10 pwesto si Lacson dahil nakuha nya ang pang-walo sa pinakamaraming boto gayundin si Cayetano na nasa ika-siyam na pwesto.

Pasok sa ika-10 sa pinakamaraming boto si Villar bagama’t sa survey nasa pang 11-17 na pwesto lamang siya.

Tila nagkapalit sila ni Lapid na siyang nasa ika-11 na pwesto na sa survey ay nasa ika-anim hanggang ika-10 pwesto.

Nakuha naman ni Marcos ang ika-12 at pinakahuling pwesto sa pagka-senador na naaayon rin sa resulta ng survey ng Tangere.

Nitong nakaraang Mayo 17, limang araw lamang matapos ang halalan, ipinroklama na ni Commission on Elections (Comelec) Chairperson George Garcia ang 12 nagwagi sa pagka-senador.

“Now, therefore, by virtue of the power vested in it under the 1987 Constitution, the Omnibus Election Code, and other election laws, the Commission on Elections, sitting en banc as the National Board of Canvassers, hereby declares the 12 candidates as the duly elected senators of the Republic of the Philippines in the May 12, 2025 National and Local Elections,” pahayag ni Commissioner Garcia base sa Comelec Resolution No. 08-25..

Paraan ng Tangere sa pagsu-survey

Sa isang panayam na nalathala sa isang online news site, sinabi ni Tangere CEO Martin Penaflor na ginamitan nila ng stratified random sampling o quota -based ang kanilang survey para makuha ang lahat ng demograpiya.

Ayon sa ulat ng The Manila Times, non-commissioned ang naturang survey na merong humigit-kumulang 2.48 porsyentong margin of error at 95 porsyentong confidence level.

Ipinaliwanag ni Penaflor na may quota kung ilang porsyento lamang para sa isang lugar halimbawa sa Metro Manila dapat 12 porsyento lamang, sa 23 porsyento mula sa Northern Luzon, 22 porsyento mula sa Southern Luzon, 20 porsyento mula sa Visayas, at 23 porsyento mula sa Mindanao.

Bukod pa rito, sasalain din nila ang mga respondent base sa age group ayon sa 2021 survey ng Philippine Statistics Authority (PSA) at base sa social economic class.

Ang Tangere ay isang award-winning na market research firm at kasapi ng Marketing and Opinion Research Society of the Philippines, European Society for Opinion and Market Research, at Philippine Association of National Advertisers.

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -