28.7 C
Manila
Miyerkules, Hunyo 11, 2025

Palpak na hotline ng CHED, sinita ni Tulfo

- Advertisement -
- Advertisement -

NASABON ni Sen. Idol Raffy Tulfo ang pamunuan ng Commission on Higher Education (CHED) dahil sa kanilang palpak na public assistance and complaints hotline na inaasahang unang takbuhan ng mga estudyanteng may mga ilalapit na reklamo laban sa kanilang paaralan.

Sa ginanap na Subcommittee hearing ng Senate Committee on Higher Education sa Senate Resolution No. 1302 kahapon, Hunyo 9, tinalakay ang mga hinaing ng mga estudyante laban sa Bestlink College of the Philippines.

Ayon sa reklamo, sapilitang pinasama ang mga mag-aaral sa isang off-campus activity na nauwi sa trahedya. Sinabi ni Sen. Idol na mas madali sana para sa mga estudyante na may mga ganitong problema ang magsumbong sa CHED kung mayroon lamang itong active hotline.

Bago maganap ang hearing ay sinubukang tawagan ng staff ni Sen. Raffy na nagpanggap na estudyante ang official hotline ng CHED, pero pagkasabi niya ng pangalan ng school, agad siyang ini-refer ng CHED employee sa NCR Regional Office na nakakasakop daw sa nasabing paaralan, pero palpak naman ang numerong ibinigay dahil hindi ito gumagana.

Ang masaklap, nang tawagang muli ng kanyang staff ang unang numero ay ini-refer na siya sa 8888 o ang general citizens’ complaint number at sinabihan pang i-Google na lamang niya ang e-mail address ng Regional Office.

Kaya sa nasabing pagdinig, ginisa ni Sen. Tulfo si CHED NCR Regional Director Dr. Jimmy Catanes dahil wala itong ginagawa para agarang maayos ang problemang ito gayong inamin niyang aware siya dito.

Sinabi ni Catanes na nadatnan niya ang problemang ito noong siya ay mag-takeover sa CHED NCR office noong Enero 2025 kaya pinalagyan niya na raw ito ng bagong linya na 8403-2247.

Sa puntong ito ay on-the-spot na tinawagan ni Sen. Tulfo ang new hotline, pero lalo lamang nag-init ang ulo niya dahil inirefer lamang din uli siya ng CHED employee sa lumang numero ng CHED NCR na palpak.

Iminungkahi ni Sen. Idol kay Catanes na repasuhin na ang kanilang grievance mechanism systems. Dapat ding sibakin na ng CHED ang mga inactive hotlines na nakalagay sa CHED website at maglagay ng sila ng bago na tutugon sa mga hinaing ng mga estudyante, na sinang-ayunan naman ni Catanes.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -