NGAYONG hapon, 4:00pm, Martes, Hunyo 10, lahat ng senador ay manunumpa maliban kay Senate President Chiz Escudero, bilang mga hurado sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Si Escudero, isang abogado, ay nanumpa kahapon, Lunes, Hunyo 9, 2025, bilang presiding officer para sa impeachment trial.
Inaasahang magco-convene ang Senado bilang impeachment court sa Miyerkules, Hunyo 11, 2025, sa gitna ng mga panawagan ng ilang senador na mga kakampi ni Duterte na ibasura ang kaso dahil sa kakulangan ng oras.
Nilinaw ni Sen. Joel Villanueva na ang panunumpa ng mga senador ay magbubo lamang ng korte pero hindi awtomatikong magco-convene nito.
“[The] convening the court will be on Wednesday wherein part of the agenda would include issuing of summons, etc.,” sabi ni Villanueva sa isang text message.
“Again, everything is possible and the plenary is supreme. But yesterday the motion to constitute the impeachment court was approved and that senator-judges will take their oath,” sabi niya.
“Can the plenary overturn it? Yes. Can the plenary modify and say, ‘Lets convene the court today.’ The answer is, yes,” dagdag ni Villanueva.
Suspensyon ng legislative business
Matapos magpasa ang Senado ng ikatlo at pinal na pagbasa ng ilang pending bills, ang minority bloc, na kinabibilangan nina Senador Koko Pimentel at Risa Honteveros.
Hiniling ni Pimentel ang floor para suspendehin ang legislative business at hiniling kay Escudero na mag-convene ang Senado bilang impeachment court “this very moment” upang payagan ang mga senador na talakayin ang kanilang mosyon na simulan na ang impeachment trial.
Paliwanag ni Pimentel, “Any further delay not only undermines the explicit mandate of the Constitution and our rules. It risks eroding public trust in the Senate’s capacity to uphold the accountability of public officers and the rule of law,” paliwanag ni Pimentel at binanggit ang mga kritisismo ng mga academic, religious at civil society groups sa mga senador dahil sa mabagal na pag-usad ng impeachment trial.
Binanggit din niya ang Article XI, Section 3 ng 1987 Constitution, na nagsasabing “the verified complaint or resolution of impeachment is filed by at least one-third of all the Members of the House, the same shall constitute the Articles of Impeachment, and trial by the Senate shall forthwith proceed.”
Hinimok ni Pimentel si Escudero na manumpa bilang presiding officer at mamuno sa panunumpa ng mga miyembro ng Senado bilang mga senador-hurado at pagkatapos ay bumuo na ng kalendaryo para sa trial.
Mungkahi ng iba pang senador
Samantala, iminungkahi nina Sens. Loren Legarda, Nancy Binay at Juan Miguel Zubiri na magkaroon ng caucus ang lahat ng mga senador para pag-usapan ang mosyon.
“Amidst public confusion and varying opinions re the impeachment, it is incumbent upon the Senate to hold a caucus immediately and discuss it in the plenary so that the statements and decisions are not made unilaterally,” sabi ni Legarda.
“Honestly, I don’t know what is happening right now. What we need here is to have a caucus. So, we appeal to the Senate president to talk to the members and ask us what the direction of the Senate is in the next few days,” sabi ni Zubiri.
Nauna rito, sinabi ni Escudero na hindi na kailangan ang caucus dahil nais niya na talakayin ito sa plenary para malaman ng publiko ang mga isyu tungkol sa impeachment trial ni Duterte.
Nagkasundo ang mga senador na ipasa ang reklamo kay Duterte sa Committee on Rules.
Klaripikasyon ni Dela Rosa
Subalit, nagtanong si Sen. Bato Dela Rosa kung ang panunumpa ba bilang mga hurado ay magiging simula na ng convening ng impeachment court.
Mariing sinabi ni Escudero na magco-convene ang court sa Miyerkules na tinutulan ni Pimentel.
“Tomorrow, when we take our oath we are convened as impeachment court. That is already convening the court as far as this representation is concerned,” sabi ni Pimentel.
Inayunan ito ni Hontiveros.
Nauna rito, sinabi ni Dela Rosa na susunod siya sa schedule ni Escudero.
“Sinusuportahan kita, Mr. President, kahit ngayon o sa Miyerkules, June 11, 2025. Nasa iyo iyan. Hindi ako abogado pero isa akong Pilipino na umaasa na ang ating bansa ay hindi magkakagulo at mananatili tayong nagkakaisa,” sabi ni Dela Rosa.
Resolusyon ni Padilla
Samantala, sinabi ni Sen. Robinhood Padilla, nitong Lunes na nag-file siya ng isang resolusyon para ibasura ang kaso laban kay Bise Presidente Sara.
Ayon sa ulat ang resolusyon ni Padilla ay sinusuportahan nina Sens. Bong Go, Imee Marcos, Francis Tolentino, Cynthia Villar, Mark Villar, at Dela Rosa.
Ang resolusyon ni Dela Rosa na humihiling na ibasura ang kaso laban Duterte, ay hindi pa nagsusumite ng kanyang bersyon.
Ayon sa kanya ang impeachment trial ay makaapekto sa ekonomiya ng bansa.
Pagkatapos ng halos tatlong oras ng paliwanagan at balitaktakan, nanumpa si SP Escudero bilang presiding officer ng impeachment trial ni VP Sara. Halaw sa ulat ng The Manila Times