25.4 C
Manila
Miyerkules, Hunyo 18, 2025

Pangangalap ng datos sa mga kilalang diyalekto ng wikang Kalinga

- Advertisement -
- Advertisement -

NOONG Mayo 19-22, 2025 , isinagawa ang ikatlong pangangalap ng datos sa mga kilalang diyalekto ng wikang Kalinga partikular ang Minangali, Ginagaang, Nilulubo, Pinangol, at Dinacalan (Tanudan Kalinga); Sinumacher (Sumadel); at Minabaka (Mabaka).

Sa isinagawang pangangalap ng datos, inalam ang kasalukuyang estado ng paggamit ng mga naturang diyalekto sa kani-kanilang komunidad. Isinapanahon din ang mga lugar kung saan pangunahing ginagamit ang mga naturang diyalekto, gagamitin ang datos na ito sa pagsasapanahon ng Mapa ng mga Wika ng Pilipinas at Repositioryo ng mga Wika at Kultura.

Kinuha rin ng mga mananaliksik ang katumbas ng halos 400 batayang salitang gagamiting datos sa pagsusuri ng leksikal na pagkakatulad (lexical similarity) ng mga diyalekto ng Kalinga. Nagsagawa rin ng Recorded Text Testing (RTT) para sa pagsusuri ng mutual intelligibility ng mga naturang diyalekto.

Pinangunahan ng mga mananaliksik ng Sangay ng Lingguwistika at Aplikadong Lingguwistika (SLAL) na sina Evelyn Pateño at Florencio Rabina, Jr., ang pangangalap ng datos sa patnubay ng puno ng sangay, Lourdes Hinampas at ng Tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) Arthur Casanova, PhD.

Target na magsagawa ng balidasyon sa komunidad sa darating na Hulyo 2025.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -