28 C
Manila
Lunes, Hulyo 14, 2025

Tulfo, nagcourtesy call sa PH Consulate Office sa California

- Advertisement -
- Advertisement -

NAG-COURTESY call si Committee on Migrant Workers Chairperson Sen. Idol Raffy Tulfo sa Philippine Consulate Office sa San Francisco, California. Ito ay sa gitna ng pinaiigting na crackdown ng US Immigration and Customs Enforcement (ICE) sa mga immigrants at undocumented workers sa US.

Sakop ng consulate office ng San Francisco ang ibang mga lugar sa US gaya ng Alaska, Colorado, Idaho, Montana, Northern California, Northern Nevada, Oregon, Utah, Washington at Wyoming.

Tinanggap siya nina Consul General Neil Frank R. Ferrer, Deputy Consul General Maria Paz Cortes at Vice Consul Hannah Eloisse Go.

Ayon sa kanila, hindi naman daw labis na nakakabahala ang immigration issue para sa mga Pilipino sa nasasakupan nilang area sa US. 17 lang daw ang na-detain ng ICE – lima dito ang na-release na samantalang tatlo ang na-deport.

Karamihan daw sa mga nahuli at na-detain ay ang mga kababayan natin na may mga prior conviction. Kahit naserve na nila ang kanilang sentence, nang lumabas sila ng US at bumalik ay naharang sila sa border o airport at doon sila naaaresto. Ito ay kasama sa paghihigpit ng administrasyon ni Trump sa mga immigrants.

Kaya may posibilidad na ang mga kababayan nating green card holders sa US na may mga prior conviction at nahuli ng mga pulis, gaya halimbawa sa isang simpleng traffic violation at kung ano pa mang minor offense, at chineck ang kanilang identification ay makikita na sila ay may dating derogatory record at doon maaari silang ipasa sa ICE at pwedeng ma-detain.

Gayunpaman, handa naman daw magbigay ng legal and welfare assistance ang ating mga Philippine Consulate Office sa mga kababayan natin na nadedetain ng ICE dahil mayroon namang pondo para sa Assistance-to-Nationals o ATN.

Sa kabilang banda, 55 na mga Pilipino raw na may kasalukuyang criminal cases sa iba’t-ibang states na sakop ng San Francisco Philippine Consulate General ang naka-detain at dalawa dito ang nasa death row.

May babala rin si ConGen Ferrer sa mga kumakalat na fake news dahil hindi totoo na kapag ikaw ay dual citizen sa America, kailangan mong irenounce ang iyong Filipino citizenship para hindi ka mapag-initan ng ICE. Sa katunayan, nasaksihan ni Sen. Idol ang oath-taking ng mga kababayan natin doon na nanumpa para maging dual citizen.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -