27.1 C
Manila
Huwebes, Hulyo 3, 2025

Ping Lacson, naghain ng ‘Kabataang Magsasaka Scholarship’ Bill para tapusin ang kahirapan ng magsasaka at palakasin ang food security

- Advertisement -
- Advertisement -

UPANG tapusin ang kahirapan ng magsasaka sa pamamagitan ng pagbigay ng edukasyon sa anak nila — habang pinapaganda ang ating food security at agrikultura — naghain  si Sen. Panfilo “Ping” Lacson ng panukalang batas para sa “Kabataang Magsasaka” national scholarship and return service program.

Layunin ng “Kabataang Magsasaka Scholarship Act” na magkaroon ng “inclusive access” sa edukasyon sa agrikultura para sa mga anak ng mga magsasaka o ang mga umaasa sa kanila.

“Consistent with this representation’s aspiration of breaking the poverty cycle of our farmers, this measure will likewise ensure that our country will not fall short of professionals who can contribute to modernizing and strengthening the country’s food security and rural development,” ani Lacson sa kanyang panukala.

Nagmula ang panukala sa Konsultahang Bayan forum ni Lacson noong Abril, kung saan maraming magsasaka ang nagpahayag ng pag-apruba sa ganitong scholarship program.

Magiging magkahanay ang programa sa mga education subsidy programs ng pamahalaan sa ilalim ng batas tulad ng Coconut Farmers and Industry Trust Fund Act (RA 11524), Rice Tariffication Law (RA 11203), at Universal Access to Quality Tertiary Education (RA 10931).

Ani Lacson, bagama’t maituturing na bansang agrikultura ang Pilipinas, kabilang ang magsasaka sa pinakamahirap sa lipunan — at  ang kahirapan ang pumipigil sa anak nila na magkaroon ng edukasyon. Bukod dito, iilan lang ang interesado sa kurso sa agrikultura.

Sa ilalim ng panukala, ang anak o dependent ng magsasaka ay dapat naka-enrol o natanggap sa undergraduate o graduate program sa agrikultura o ibang kursong itinakda ng Commission on Higher Education (CHED) at Department of Agriculture (DA), sa State or Local University or College (SUC/LUC), o CHED-accredited na private higher education institution (HEI) sa Pilipinas, o accredited partner institution sa ibang bansa.

Ang CHED naman ay mag-expand ng curriculum katuwang ang DA at HEI at magbibigay ng access sa hands-on learning, hihikayat ng oportunidad sa pag-aaral, at magbibigay ng patuloy na edukasyon at pagsasanay para sa mga graduate para manatiling updated sa pagbabago sa agrikultura.

Kabilang sa mga benepisyo sa mga iskolar ang:

  • Libreng tuition at ibang school fees;
  • Allowances at suporta sa mga libro, uniporme at ibang gamit;
  • Buwanang “living stipend” na itatakda ng CHED at DA;
  • Panggastos para sa internship, fieldwork, field immersion, capstone projects, research, at ibang academic requirements;
  • Reimbursement o direct funding para sa licensure o board examination fees.

Kikilalanin ng CHED at DA ang piling iskolar para sa short-term certificate training, graduate diploma program, o full graduate studies sa mga partner institution sa ibang bansa.

Magpapanatili ang CHED at DA ng centralized scholarship database para tiyakin ang pagsunod ng mga iskolar sa return service. Makikipagugnayan sila sa partner HEI, local government unit, at ibang ahensya.

Ang mga magtatapos sa programa ay dapat magbigay ng return service sa pamahalaan. Magsisimula ang return service sa loob ng isang taon pagkataoos ng graduation o pagkumpleto ng mandatory licensure requirements.

Kung walang return service opportunity sa pamahalaan, maaaring magkaroon ng alternative placements sa accredited non-government organizations (NGOs), cooperatives, o private sector entities sa agricultural development, extension services, agribusiness, or research; start-up ventures o enterprises sa agrikultura, na ineendorso ng DA.

Maaari ring mag-apply ang mga graduate sa pamamagitan ng pagtayo ng agricultural o allied-sector enterprise na aambag sa pag-unlad.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -