28.6 C
Manila
Sabado, Hulyo 12, 2025

DBM Sec Pangandaman, pinuri ang DILG dahil sa pagsusulong ng Open Government sa lahat ng LGU sa buong bansa

- Advertisement -
- Advertisement -

PINURI ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah “Mina” Pangandaman ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa pagpapatibay ng open and participatory governance sa pamamagitan ng paghikayat sa lahat ng local government units (LGUs) na gamitin at ipatupad ang mga prinsipyo ng bukas na pamamahala alinsunod sa Memorandum Circular (MC) No. 2025-065.

Ang MC ang maglalatag ng batayan para sa operationalization ng OGP Localization Program, na binuo ng DILG, upang palakasin ang local government units na maging globally competitive open government champion, habang sinusuportahan ang co-creation at pagpapatupad ng open government reforms sa pamamagitan ng aktibong kolaborasyon ng LGU-CSO.

“We want open government to take root from the ground up. That is why I commend President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. and the DILG for all their efforts in pushing this forward. Ang tunay na pagbabago, nagsisimula po sa pakikilahok ng bawat isa. Sa mga barangay, munisipyo, at bawat komunidad,” ayon kay DBM Secretary Mina Pangandaman.

“Implementing the principles of open government at the local level ensures that its benefits reach every Filipino, especially those in the regions. Thank you, DILG Secretary Remulla for supporting this cause. With this, we are fulfilling our promise to deliver better, faster, and more responsive services to our people,” dagdag pa ni Secretary Mina.

Ang direktiba ay umaayon sa Executive Order No. 31, s. 2023 na nilagdaan ni President Bongbong Marcos, na nagtatalaga sa Philippine Open Government Partnership (PH-OGP) bilang national mechanism para sa pagsusulong ng open government values, at Proclamation No. 916, s. 2025 na nagdedeklara ng ikatlong linggo ng Mayo bilang Open Government Week.

Ang DBM, katuwang ang DILG at PH-OGP Project Management Office (PMO), ay masigasig na isinusulong ang bukas na pamamahala sa mga LGU sa pamamagitan ng mga inisyatiba tulad ng OGPinas! Nationwide Advocacy Campaign, na nagsusulong ng kamalayan sa transparency at partisipasyon ng mamamayan, at Dagyaw Town Halls bilang isang institutionalized mechanism para sa pagpapalabas ng mga pangunahing alalahanin at pagbibigay-alam sa patakaran at decision-making. Sinusuportahan din nito ang pakikipag-ugnayan ng LGU tulad ng 2025 OGP Asia and the Pacific Regional Meeting at Open Gov Week 2025, at katuwang na namumuno sa mga 1roundtable discussions at bilateral meetings para masuri ang kahandaan ng mga local government units sa pagsali sa OGP Local program.

Simula noong Abril 2024, ang Pilipinas ay may limang aktibong miyembro sa OGP Local Program: South Cotabato; Tagbilaran City, Bohol; Larena, Siquijor; Quezon City; at Baguio City.

“With more local government units embracing the open government principles, we get closer to creating a more just, transparent, and empowered society. The momentum is here—and it is local,” pagtatapos ni Sec. Mina.

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -