JUAN, mukhang malungkot ka yata ngayon?
Oo nga, Uncle. Bayaran na naman ng credit card bill. Hay, bakit kaya ganun? Ang sarap mamili, pero pag bayaran na, ang sakit sa dibdib!
Naku, ganyan nga talaga. Kaya pag wala ka talagang disiplina sa paggamit ng credit card, malulubog ka talaga sa utang.
Sa Pilipinas, ang average credit card na utang ay P92,800 kumpara sa average income ng Pilipino na P21,900 kada buwan.
Ayon sa huling report ng Roshi, isang fintech na kumpanya, kumpara sa credit card debt to income ratio ng ibang bansa sa Asya, ang Pilipinas ang pinakamalala sa 425 porsiyento.. Ang Vietnam ay 127 porsiyento, Thailand ay 92 porsiyento at Indonesia ay 21%.
Ang ibig sabihin nito ay kahit mababa ang kabuuang debt to GDP ratio sa Pilipinas (11.7%), gusto ng mga Pilipino, partikukar sa may access sa mga pormal na financial services, ang humiram sa credit card.
Hindi Ito magandang senyales lalo na kung hindi ito ma-manage ng mabuti kasi puede itong maging sanhi ng mas malalim na problema lalo na kung hirap na sa pagbabayad at pahinain ang pagangat ng ekonomiya.
Magdudulot din Ito ng financial stress sa mga tao at puedeng magkaroon ng mental health issues.
Pero ano nga ba ang pros and cons ng credit card?
Unahin natin ang pros:
- Convenience
Ang paggamit ng credit card ay madali sa pagbili, online man o sa mall. Hindi na kailangan magbitbit ng malaking cash na baka mawala mo pa o manakawan. - Proteksyon sa fraud
May mga features ang credit card na puede kang maprotektahan sa mga manloloko. Tumatawag na din ang mga bangko kung may nangyayaring taliwas sa pattern ng iyong purchases. Tinetext na rin ng ilang mga bangko ang mga nacha-charge sa iyong credit card real time. - Credit history
Kapag responsable kang gumamit at magbayad sa iyong credit card, magkaroon ka ng magandang credit record na nagiging basehan para sa loans at paggamit ng iba pang financial services sa hinaharap. - Rewards at benefits
Maraming rewards at benefits Ang credit card tulad ng cashback, travel points, free parking, o diskuwento sa mga tindahan. - Emergency na gastos
Kung may biglaang pangyayari at wala kang cash, puede kang huniram sa credit card para sa mga emergency na gastos. - Consumer protection
May consumer protection ang mga credit card, na binibigyan ka ng oportunidad na kwestyunin ang mga hindj mo talaga ginastos at iwasan ang pageants ng hindi talaga sa iyo.
Ang mga cons:
- Mataas na interest rates
Kung parati na lang minimum ang binabayaran mo sa iyong credit card bill, pinapatawan ka ng malaking interest rate na magpapatong-patong at lalaki talaga ang iyong pagkakautang sa dulo. - Temptasiyon at overspending
Madaling mabudol kapag may hawak kang credit card. Kaskas ka lang ng kaskas at ang iyong katuwiran ay matagal pa namang babayaran kaya saka ko nalang iisipin pagdating ng bill. - Late fees and penalties:
Pinapatawan ka ng credit card ng late or missed payment charges na puwedeng magpalaki ng iyong utang at papangitin ang iyong credit history. - Debt (o death) cycle:
Puwedeng mangyari na magpaikot-ikot lang ang iyong utang kung saan magbabayd ka ngayon pero hihiram ka naman ng mas malaki. Walang katapusan ang problema.
Paano mo ba malalaman kung dapat ba o hindi na magkaroon ka ng credit card?
Tanungin mo sa sarili mo ang mga sumusunod:
- Handa ba ko financially?
Gumagastos ka ba na labis sa iyong kakayahan? May budget ka ba? Mahilig ka bang mag-overspend? - Ano ba ang credit standing mo?
Mababa ba ang credit standing mo sa mga bangko at nahihirapan ka bang mangutang? - Ano ba ang iyong spending habits? Lagi bang minimum balance lang ang binabayaran mo sa credit card at hindi ka nagbabayad ng buong balanse ng iyong bill?
- Naiintindihan mo ba ang interest at iba pang fees ng credit card?
Malaki ba ang binabayaran mong interest rate, annual fee, at iba pang fees ng credit card? - May long-term financial goals ka ba?
- May plano ka bang magkaroon ng housing mortgage o iba pang major na loans?
Kung ang sagot mo sa mga tanong na Ito ay “Oo”, hindi ka pa handa sa responsibilidad at disiplina na kailangan para hindi ka malubog sa utang sa credit card.

