ISINAGAWA ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang mabungang saliksik para sa Korpus at Glosaryo ng mga Katutubong Kaalaman ng wikang Engongot/Bugkalot sa Barangay Dibutunan, Dipaculao, Aurora noong Hulyo 14-18, 2025.

Hinahangad ng pananaliksik na mapangalagaan ang wika ng Engongot-Bugkalot. Sa kasalukuyan, isa ang wika nila sa mga nanganganib na wika na may antas na di-ligtas.
Matatagpuan rin ang mga tagapagsalita ng wikang ito sa lalawigan ng Quirino at Nueva Vizcaya.

Katuwang sa pananaliksik ng KWF ang mga nakatatandang Engongot/Bugkalot ng nasabing barangay sa pangunguna ni Chieftain Mark Anthony Aliwak.
Sumailalim sa balidasyon ang glosaryong nalikha na may 551 lahok na salita.

Naglingkod bilang mananaliksik sina Johnly Diolata at Roy Rene Cagalingan, sa ilalim ng pangangasiwa nina Dr. Sheilee Vega.



