NAG-DEPRECIATE nang malakihan ang Philippine peso hanggang P60.261/US$ noong ikaapat na linggo ng Marso 2026. Ano ang dahilan nito? Nakakabahala ba ito? Paano ang galaw nito kumpara sa mga ibang currencies sa Asya? Ano ang kahulugan ng paggalaw na ito sa produksyon, investment at paglikha ng trabaho?
Malaki ang naging impact ng giyera sa Middle East sa ekonomiya ng daigdig. Dahil sa pag-atake ng Israel at United States sa Iran, tumaas ang presyo ng langis. Mula $61.67 kada bariles noong Enero 2025, umakyat ito ng mahigit sa doble sa antas na $127.86 kada bariles noong Marso 2023. Dahil ito sa pangamba na magsasara ang Strait of Hormuz na siyang dinadaanan ng 20% ng exports ng langis sa buong mundo at kalahati sa mga exports ng langis ng buong Middle East.
Kasabay sa naranasang shock sa presyo ng langis ay ang presyo ng nitrogen fertilizer na kung saan 33.3% ng exports ng buong mundo ay galing sa Middle East. Umakyat ang presyo ng fertilizer ng 16.8%. Kapag nagtipid ang mga magsasaka at gumamit ng mas kaunting fertilizer, maaaring maapektuhan ang kanilang ani at tataas pa lalo ang presyo naman ng pagkain. Ayon sa Asian Development Bank (ADB), kapag tumaas ang presyo ng fertilizer ng 30%, ang yield ng bigas ay bababa ng 0.1% at ang consumption ng kanin ay bababa rin ng 0.53%. Tataas ang antas ng kagutuman.
Dahil 3.6% sa ekonomiya ng Pilipinas ay nakaugnay sa presyo ng produktong petrolyo (average ng nakalipas na tatlong taon), malaki ang sipa ng pagtaas ng presyo nito sa inflation. Inaasahan ng Department of Economy, Planning and Development (DEPDev) na dating NEDA na aakyat hanggang sa 7.5% ang CPI inflation kapag lumala at nagtagal ang giyera. Apektado ng mataas na inflation ang kumpiyansa ng mga mangangalakal sa ekonomiya. Maaari nilang ipagpaliban ang bagong investment na malaki ang epekto sa GDP growth at paglikha ng trabaho.
Dahil ang importasyon langis ay 10.8% ng total imports of goods ng Pilipinas, malaki rin ang epekto ng pagtaas ng presyo ng langis sa halaga ng piso. Bumagsak ang exchange rate ng piso sa P60.26/US$ noong unang ikaapat na linggo ng giyera. Kumpara sa antas nitong P58.80/US$ noong huling araw ng 2025, nag-depreciate ang peso ng 1.84% sa P59.80 noong Marso 24, 2026. (Table 1)
Ano na ang kalagayan ng piso kumpara sa ibang currencies ng Asya?
Sa ikatlong buwan ng 2026, ikawalo ang piso ng Pilipinas sa mga pinakamatatag na currencies sa Asya. Nag-depreciate ang piso ng 1.84% kumpara sa 1.1% na pag-depreciate ng 12 currencies sa Asya. Mas mababa ang depreciation ng piso kumpara sa Malaysian ringgit, Chinese yuan, Singapore dollar, Vietnamese dong, Hongkong dollar, Japanese yen, at Indonesian rupiah. Halos kapareho ang Indonesian rupiah na nag-depreciate ng 1.83%. Alalahanin natin na ang Indonesia at Malaysia ay mga exporters ng langis. Ngunit mas malakas naman ang piso kumpara sa Taiwan dollar, Thailand baht, South Korean won, at Indian rupee. (Table 1)
Ang isa pang may epekto sa kumpiyansa ng mga mangangalakal ay ang paggalaw ng currency sa loob ng tatlong buwan na may epekto rin sa pagpresyo nila sa kanilang mga produkto at serbisyo. Mahirap para sa mangangalakal tantiyahin kung ano ang maging epekto nito sa demand ng consumer. Gagamitin natin ang coefficient of variation na siyang ginagamit ng mga statistician sa pagsukat ng volatility o galaw ng mga indicator kumpara sa mean o average.
Base sa sukatang ito, ang piso ay mahigpit na gumagalaw kasabay ang mga malalakas na currencies sa Asya. Ang volatility rate o antas ng paggalaw ng piso, na nasusukat ng coefficient of variation, ay 0.0226%, mas mababa kumpara sa 0.5021% na average volatility rate ng 12 currencies. Nasa ikalimang puesto ang Pilipinas sa volatility rate. Ang mga least volatile na currencies ay Singapore dollar, Chinese yuan, Malaysian ringgit, at Thai baht na may volatility rate na mula 0.0002% ng Singapore dollar sa 0.0108% ng Thailand baht. Sa kabilang dako, ang pinakamagalaw na currencies ay ang Indian rupee, Hongkong dollar, Japanese yen, South Korean won, Taiwan dollar, Indonesian rupiah, at Vietnamese dong. Ang volatility ng mga currencies na ito ay mula sa 0.035% hanggang 2.151%. Ang ranggo ng Pilipinas ay tumaas mula sa pangpito noong 2024, pang-anim noong 2025 at panglima noong unang tatlong buwan ng 2026 .
Alalahanin natin na ang rehiyon ng Southeast Asia o ASEAN ang isa sa mga pinakamabilis na lumagong ekonomiya sa buong mundo. Kapag ikinumpara natin ang ating sarili sa mga kapit-bansa, malalaman kung may krisis na darating o patuloy na malakas ang ekonomiya.
Ang dahilan kung bakit patuloy na nasa gitna ang piso sa mga malakas at matatag na currencies sa Asya ay ang patuloy na magandang economic fundamentals ng Pilipinas kasama ng mahusay na pagmamaneho ng monetary policy . Ang balance-of-payments ay may deficit na US$1.7 bilyon noong Marso 2025 hanggang Pebrero 2025, maliit sa antas na 1.4% ng GDP. Ang Gross International Reserves (GIR) ay mataas sa US$112.7 bilyon noong huling araw ng Pebrero 2026, equivalent sa 7.5 months ng imports of goods and services. Malaki ito kumpara sa 2-3 months na sapat na, ayon sa International Monetary Fund (IMF). Bumaba ang GDP growth rate sa 4.4% noong 2025, ngunit hindi malayo ito kumpara sa projected GDP growth sa ASEAN-6 na 4.9% ng 2025. Patuloy na mababa ang average inflation sa 1.6% noong nakaraang labingdalawang buwan, mas mababa kaysa sa 2-4% inflation target ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP). Pababa rin ang fiscal deficit ng General Government noong 2025 na 0.6% ng GDP. Dahil sa magandang macroeconomic fundamentals, malakas pa rin ang investor confidence sa Pilipinas kahit na maraming mangangalakal ang nadismaya sa matinding antas ng korapsyon sa bansa at sa paglipad ng presyo ng langis.
| Table 1. Asian Currency/ US$ | 31-Dec-25 | 24-Mar-26 | AVERAGE 2025 | AVERAGE JAN-MAR 2026 | YTD DEPRECIATION JAN-MAR 2026 | DEPRECIATION RANK JAN-MAR 2026 | VOLATILITY 2026 | VOLATILITY RANK 2026 | ||
| China (CNY) | 6.99 | 6.89 | 7.17 | 6.92 | -1.43% | 2 | 0.0012% | 2 | ||
| Japan (JPY) | 156.65 | 158.68 | 149.31 | 156.12 | 1.30% | 6 | 0.0687% | 8 | ||
| India (INR) | 89.85 | 94.01 | 87.37 | 91.65 | 4.63% | 12 | 0.0350% | 6 | ||
| Philippines (PHP) | 58.80 | 59.88 | 57.59 | 58.79 | 1.84% | 8 | 0.0226% | 5 | ||
| Singapore (SGD) | 1.29 | 1.28 | 1.31 | 1.28 | -0.78% | 3 | 0.0002% | 1 | ||
| Korea (KRW) | 1,440.51 | 1,496.03 | 1,418.24 | 1,452.58 | 3.85% | 11 | 0.5384% | 9 | ||
| Thailand (THB) | 31.48 | 32.52 | 32.80 | 31.63 | 3.30% | 10 | 0.0108% | 4 | ||
| Vietnam (VND) | 26,225.00 | 26,350.00 | 26,016.08 | 26,158.75 | 0.48% | 4 | 2.1511% | 12 | ||
| Malaysia (MYR) | 4.13 | 3.95 | 4.27 | 4.02 | -4.36% | 1 | 0.0016% | 3 | ||
| Indonesia (IDR) | 16,670.00 | 16,975.00 | 16,496.00 | 16,787.50 | 1.83% | 7 | 2.2888% | 11 | ||
| Hong Kong (HKD) | 7.78 | 7.83 | 7.80 | 7.81 | 0.64% | 5 | 0.0507% | 7 | ||
| Taiwan (TWD) | 31.33 | 31.92 | 31.17 | 31.56 | 1.88% | 9 | 0.8566% | 10 | ||
| Average | 1.10% | 0.5021% | ||||||||
| SOURCE OF BASIC DATA: xe.com | ||||||||||
| */ Coefficient of variation |

