29.4 C
Manila
Huwebes, Hulyo 9, 2026

3 senador na wala sa impeachment trial, ibibilang pag nagbotohan, ayon sa nagbalangkas ng Saligang Batas

- Advertisement -
- Advertisement -

NANANATILING 16 ang bilang ng mga senator-judges na kinakailangan upang ma-impeach si Bise-Presidente Sara Duterte, ayon sa isang dating associate justice ng Korte Suprema na isa sa mga nagbalangkas ng Saligang Batas 1987.

Larawan mula sa The Manila Times Facebook page

Azcuna: 16 pa rin ang ⅔ ng mga kasapi ng Senado

Sa isang panayam sa DZMM kay dating Associate Justice Adolfo Azcuna, ipinaliwanag nitong 16 pa rin ang ⅔ ng mga kasapi ng Senado bagama’t hindi nakakasali sa deliberasyon ang tatlo sa mga kasapi nito.

Aniya, may tatlong dahilan lamang upang hindi mapabilang ang isang senador sa bilang: kamatayan, pagbibitiw, o pagkakatanggal sa pwesto.

“Regarding the voting threshold, maraming nagtatanong kung nagbago ba yung kailangan na boto na kailangang magconvict ng isang respondent sa ating impeachment, palagay ko di rin nagbabago yan dahil myembro pa rin sila ng senado at ang basehan members of the senate, so nanatili silang myembro ng senado kaya dapat kasama sila sa bilang ng ⅔ na kailangan ng voting threshold to convict,” pahayag ni Azcuna.


Dagdag pa niya: “Regarding sa mga nasusupindi o kaya natatago, nagkasakit at hindi maaaring sumama sa delibreasyon sa senado, iba po yun kung maaari ba silang bumoto o kasama ba sila sa pagbilang ng ⅔ votes to convict. Totoo di sila makaparticipate sa deliberate, di maaaring sumama sa debate, dahil nagtatago sila o detinado, pero kasama sila sa pagbilang ng ⅔ kasama sila dahil senador pa rin sila.”

Unang araw ng paglilitis

Sinimulan nitong Hulyo 6, 2026 ang impeachment trial laban kay Bise Presidente Sara Duterte para sa apat na articles of impeachment batay sa mga bintang na maling paggamit ng confidential funs, di maipaliwanag na yaman, panunuhol sa mga opisyal ng Department of Education, at pagbabanta sa buhay nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., Unang Ginang Liza Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez.

Sa unang araw, binuksan ni Senate President WIn Gatchalian ang impeachment court sa pamamagitan ng botohan para magkaroon ng panibagong presiding officer. Nanalo si Senator Chiz Escudero matapos makakuha ng 12 boto mula sa Gatchalian bloc. Walo naman sa tinaguriang Cayetano bloc ang hindi pumabor.

- Advertisement -

Ito, sa kabila ng paggigiit ng magkapatid na Senador na sina Allan Peter at Pia Cayetano bago ang botohan, na dapat Senate President ang tumayong presiding officer na sinuportahan din ni Senator Robin Padilla, base sa kanyang pagtatanong sa Google.

Nagsalita naman si Senator Kiko Pangilinan na hindi akma ang ipinipilit ng magkapatid na Cayetano dahil wala naman sa Saligang Batas na kailangang Senate President ang maging presiding officer sa impeachment ng Bise-Presidente.

Bago ito, nagkaroon ng sesyon ang Senado na nakabuo ng quorum noong Hunyo 3 kung saan inamyendahan ang mga patakaran sa paglilitis at napagdesisyunang maaaring maghalal ng presiding officer kung hindi pangulo ang nililitis.

Ipinaliwanag ng impeachment court na pwedeng dumulog sa Korte Suprema ang nagnanais na ibaba ang bilang ng boto ng mga senador na kailangan para maconvict ang Bise-Presidente.

Hiniling ni Senator-Judge Alan Peter Cayetano na payagang makasali sa impeachment trial sina Senator Jinggoy Estrada at Rodante Marcoleta.

Ayon kay presiding officer Escudero, kinakailangang pag-usapan ito sa caucus bago ito desisyunan ng impeachment court.

- Advertisement -

Opening statement ng prosecutor

Sa opening statement ni Batangas 2nd district representative Gerville Luistro na tumatayong House lead prosecutor, hinimok nya ang mga hurado ng impeachment trial na bumase sa  mga ebidensya,  makinig sa mga testigo, suriin ang mga rekord, at sundan kung saan sila dadalhin ng mga ebidensya, upang maipakita ng republika na para sa lahat ang batas, may kapangyarihan man o wala.

“The welfare of the people is the supreme law,” pagtatapos ni Luistro.

Opening statement ng depensa

Sa kabilang banda, sa kanyang opening speech, iginiit ng pangunahing abogado ng depensa na si Atty. Shiela Sison na kinakailangang naayon sa batas ang lahat ng proseso ng paglilitis.

“Sa madaling salita, kinikilala ng ating Saligang Batas na sa bawat paglilitis na ang isang indibidwal ay nahaharap sa isang malalim at napakalaking makinarya ng estado at ang tanging sandigan nya ay ang mga batayang karapatan sa ilalim ng ating Konstitusyon. Kaya’t mahalagang linawin na sa gitna ng mga pagtatangkang ikondisyon ang kaisipan ng mamamayang Pilipino sa gitna ng walang humpay na komentaryo sa mga pampublikong espasyo, wala pang maituturing na anumang ebidensya o alegasyon na napapatunayan ng prosekusyon sa simpleng dahilan na ang bawat ebidensya ay kailangang dumaan muna sa paglilitis at pagsusuri ng korte na may tanging kapangyarihan sa ilalim ng ating Saligang Batas. Higit sa lahat, ang anumang paglilitis ay kailangang naaayon sa itinatakda ng ating batas at Konstitusyon at hindi lamang sa kagustuhan ng iilang may hawak ng kapangyarihan,” ani Sison.

“One might ask, ‘Why is it important that we must not forget these basic principles?’ The ruling of the SC tells us why. The bill of rights applies to the entire impeachment process because in as much as our court recognizes that impeachment is a political process, it reminds us that it is not purely a pol process but a legal and const mechanis,, thus, if we are to uphold the rule of law, serve justice and invoke the acct mechanism, then this court and we as a people must guarantee that all efforts to hold our leaders accountable must be done right. This we must not forget,” dagdag pa niya.

Bago matapos ang unang araw ng trial, nagdesisyon na rin ang korte na desisyunan ang ilang mga motion. Kabilang dito ang pagbabalik ng selyadong kahon na naglalaman ng tax record nina Duterte at ng kanyang mister na si Atty. Mans Carpio dahil hindi pa namamarkahan at maituturing na ebidensya ang mga ito.

Ikalawang araw ng paglilitis

Sa ikalawang araw ng paglilitis, Hulyo 7, 2026, iniharap ng prosekusyon ang unang testigo nito, si National Bureau of Investigation (NBI) Senior Agent John Mark Sta. Ana Calilong na siyang sumuri sa video kung saan nakapaloob ang umano’y pagbabanta ni  Duterte sa buhay ni Pangulong Marcos, Unang Ginang Liza Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez.

Kinontra naman ng depensa sa pamamagitan ni Atty. Joaquin Narvasa ang pagkuha kay Calilong bilang testigo dahil wala umano ito sa articles of impeachment.

Ayon kay Atty. Amando Ligutan, myembro ng prosecution, nakalista ito sa pretrial order.

Hindi rin pinanigan ng presiding officer na alisin si Calilung. Ayon kay Senator judge and presiding officer Chiz Escudero sa dahilang, aniya, hindi dapat nililimitahan ng korte ang prosekusyon sa pamamagitan ng paggamit lamang nito sa mga ebidensyang nakalista sa complaints or articles, at bukod pa roon, nakalagay naman umano ito sa pretrial brief.

“The prosecutors may add or relied of evidence during pretrial even if the evidence is not stated in the complaints or articles because only a summary are required to be stated in the articles of impeachment in this case and/or complaint and not a complete list of the prosecution’s evidence and/or witnesses. The court in general will not shackle the pros by limiting it to theevidence mentioned in information and articles especially where it is mentioned in the pretrial brief not only ordered but briefed in the counsel of prosecution,”

VP Sara: ‘In this bloodbath and bludgeoning, I will be bloodied but unbowed.’

Samantala, dumating kahapon sa Senado si Bise Presidente Duterte ngunit hindi para humarap sa paglilitis kundi para pulungin lamang ang kanyang mga abogado.

Sa pangyayaring ito, itinanong ni Atty. Lorna Kapunan ng prosekusyon kung dapat ba itong dumalo sa pagdinig.

Ayon kay presiding officer Escudero, ayon sa patakaran ng impeachment, hindi obligado si Duterte na dumalo.

Sa maigsing press briefing nagbigay ng maikling pahayag si Duterte kung saan bumigkas sya ng mga salitang hawig sa tulang ‘Invictus’: “In this bloodbath and bludgeoning, I will be bloodied but unbowed.”

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -