27.8 C
Manila
Sabado, Hulyo 25, 2026

Gatchalian sa ERC: I-audit ang ‘fel pass-through charges’ sa gitna ng patuloy na pagtaas ng singil sa kuryente

- Advertisement -
- Advertisement -

HINIMOK ni Senate President Win Gatchalian ang Energy Regulatory Commission (ERC) na magsagawa ng audit sa fuel pass-through charges sa gitna ng patuloy na pagtaas ng singil sa kuryente.

“Pag hindi nababantayan ang private companies, aabusuhin talaga nila ang presyo. Ipapasa na lang nila sa konsyumer ang presyong nabili nila,” ani Gatchalian. Binigyang-diin niya na ang retail rate ng iba’t ibang residential customer ng Meralco ay patuloy na tumataas mula noong Enero 2025, mula sa saklaw na 11.74 hanggang 12.36 kada kilowatt-hour hanggang sa saklaw na 14.48 hanggang 15.10 kada kWh.

Ayon sa kaniya, dapat suriin ng ERC hindi lamang ang distribution charges kundi maging ang generation rates na isinisingil ng mga kumpanyang nagpapatakbo ng kuryente. “Ang gobyerno, bulag pagdating sa pass-on charges kaya kailangang ma-audit ito. Nandiyan ang regulator para masiguro na hindi labis-labis ang naipapasang presyo ng kuryente sa mga konsyumer lalo na kung mabilis ang pagtaas,” diin niya.

Kasunod ng pagtatanong ni Gatchalian, sinabi ni ERC chair Francis Saturnino Juan na noong 2023 pa, kasunod ng pagsiklab ng hidwaan sa pagitan ng Ukraine at Russia, huling nagsagawa ng audit sa pass-through charges ang regulatory body.

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -